Bantay Senado, pinuri ng House prosecution panel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,716 total reads

Malugod na tinanggap ng House prosecution panel ang paglulunsad ng Bantay Senado, isang citizen-led watchdog group na magbabantay sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, mahalaga ang tungkulin ng mamamayan sa pagtiyak na magiging bukas, patas, at may pananagutan ang pagdinig sa impeachment case.

Sinabi ni Adiong na ang pagbuo ng Bantay Senado ay patunay ng lumalawak na interes ng publiko sa impeachment trial na isang mahalagang pagsubok sa katatagan ng demokrasya sa bansa.

“We welcome this initiative because citizens have an important role to play in ensuring transparency and accountability throughout the impeachment process,” ayon kay Adiong.

Dagdag pa ng mambabatas, “The impeachment trial is not only about the prosecution, the defense, or the senator-judges. It is a constitutional process being undertaken in the name of the Filipino people.”.

Pormal na inilunsad ang Bantay Senado sa De La Salle University Manila na kinabibilangan ng mga estudyante, abogado, akademiko, civil society groups, at iba pang mamamayang boluntaryong susubaybay sa mga pagdinig at magsusulong ng mas malawak na pag-unawa ng publiko sa proseso ng impeachment.

Binigyang-diin ni Adiong na higit na mahalaga ngayon ang mapanuring pakikilahok ng publiko dahil kasabay ng paglilitis ang paglaganap ng misinformation at disinformation sa social media at iba pang digital platforms.

Aniya, hindi lamang laban ng magkabilang panig ang impeachment trial kundi proseso itong isinasagawa sa ngalan ng sambayanang Pilipino, kaya mahalagang manatiling nakatuon ang publiko sa mga ebidensya, katotohanan, at sa itinatakda ng Konstitusyon.

Tiniyak naman ng Bantay Senado na mananatili itong non-partisan at hindi papanig sa alinmang kampo. Sa halip, tututukan ang pagiging makatarungan, transparent, at naaayon sa Konstitusyon ng buong proseso ng paglilitis.

Sa kasalukuyan, mahigit 350 volunteers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kabilang sa Bantay Senado na magsasagawa rin ng mga information campaign, town hall discussions, at trial monitoring activities bago at habang isinasagawa ang impeachment trial.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,737 total reads

 60,737 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,756 total reads

 139,756 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,201 total reads

 173,201 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,499 total reads

 208,499 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,573 total reads

 432,573 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top