Rise Up families, duda sa EJK Truth Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,524 total views

Nagpahayag ng mga pangamba ang ilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaugnay sa bagong tatag na civilian-led “EJK Truth Commission” na magsisiyasat sa mga pagpaslang at iba pang kaugnay na pag-abuso sa bansa.

Kabilang sa inaalala ng Rise Up for Life and for Rights na pinangangasiwaan ni Llore Pasco, ina nina Crisanto at Juan Carlos Lozano na kapwa nasawi sa kampanya kontra droga, ang magiging kaibahan ng bagong komisyon kumpara sa matagal nang dokumentasyon at adbokasiya ng mga grupong tumutulong sa mga biktima.

Binanggit din nito na sa mga naunang panukalang batas hinggil sa pagtatatag ng Truth Commission ay malinaw na isinusulong ang pagkakaroon ng kinatawan mula sa hanay ng mga biktima at mas malaking partisipasyon ng kababaihan sa panel.

Ayon pa kay Pasco, bagamat kabilang sa mga itinalagang miyembro ng komisyon si forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, wala namang direktang kinatawan mula sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa kabila nito, sinabi ng Rise Up families na bukas silang makipagdayalogo sa EJK Truth Commission upang higit na maunawaan ang layunin at pamamaraan nito.

“This could easily be just another investigation and report. Maybe it will be more extensive. We will consider telling our testimonies again, once they explain more fully. Maybe they can help collect evidence on the gunmen, the police precincts, the operation commanders and the hired killers. That would be a significant help,” Bahagi ng pahayag ni Pasco.

Iginiit ng mga pamilya na mahalagang konsultahin sila sa anumang truth-telling mechanism at maisama ang kanilang pananaw sa proseso.

Binigyang-diin din ni Pasco na malaking bahagi ng katotohanan hinggil sa extrajudicial killings ay nasa kamay ng mga pulis at iba pang testigo kaya’t nais nilang malaman kung paano ito mailalantad ng komisyon.

“We have high-regard for some of the civil-society leaders named for the panel. We appreciate that they want to help. We all want the truth to come out. Most of the truth that we need is with the police and other witnesses. Will this body be able to surface such truth?” Dagdag pa ni Pasco.

Ayon sa EJK Truth Commission, itinatag ang komisyon bilang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon hinggil sa mga kaso extrajudicial killings o EJK sa bansa.

Una ng binigyang diin ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na magsisilbing adviser ng EJK Truth Commission na ang katotohanan ay dapat protektahan hindi lamang bilang datos, kundi bilang isang bagay na may dignidad para sa mga pamilyang magbabahagi ng kanilang mga kuwento sa loob ng nakalipas na maraming taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 31,642 total views

 31,642 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,993 total views

 59,993 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,723 total views

 127,723 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 150,874 total views

 150,874 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 218,726 total views

 218,726 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top