Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

SHARE THE TRUTH

 13,909 total views

Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan ang labis na antas ng pag-uulan.

Paliwanag ni Fr. Cancino na kaakibat ng panahong ito ang paglaganap ng iba’t ibang nakahahawang karamdaman, lalo na ang mapanganib na epekto ng dengue at leptospirosis.

“Kaya tayo po ay maging mapagmatyag lalong lalo na kapag tayo ay lalabas ng bahay. Meron pa rin tayong mga hamon sa buhay…Ang paglilinis ang importante sa kapaligiran. Huwag lamang tayo umasa sa paglilinis ng barangay. Tayo ‘yung barangay, tayo ‘yung kapitbahayan, at tayo ‘yung komunidad. Pag minsan umaasa lang tayo, ‘ay trabaho mo ‘yan’. Wala pa ring maitutulad kapag tayo ay naglilinis ng kapaligiran natin,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.

Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.

Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.

Paalala naman ni Fr. Cancino sa publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.

“Kung tayo ay nakakaranas ng mga sintomas ng dengue at leptospirosis na tumataas ang kaso ngayon ay tayo ay pumunta kaagad sa ating doktor, magpakonsulta, pumunta sa pampublikong clinic, humingi ng tulong sa barangay o sa ating mga health center…Maagap na pumunta sa ospital o klinika upang maibsan at magkaroon ng tamang lunas dito sa mga sakit na tumataas tuwing tag-ulan,” paalala ni Fr. Cancino.

Batay sa huling ulat ng Department of Health na mula unang araw ng Enero hanggang Hunyo 15 ngayong taon ay tumaas ng halos 78-libo ang kaso ng dengue sa bansa, kabilang ang 205 nasawi.

Sa nasabing bilang, mas mataas ito ng 15-porsyento kumpara sa higit 67-libong kaso sa kaparehong panahon noong 2023.

Samantala, tumaas naman sa halos 900 ang kaso ng leptospirosis, kung saan 84 dito ang naitalang nasawi.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,487 total views

 64,487 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,262 total views

 72,262 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,442 total views

 80,442 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,167 total views

 96,167 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,110 total views

 100,110 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,502 total views

 1,502 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 2,717 total views

 2,717 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top