24,320 total views
Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay.
Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for Eastern-Central Visayas sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.
Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP – Episcopal Office on Bioethics, sa tulong ng biyaya at paggabay ng Panginoon ay malalagpasan ng mag-asawa ang pinagdadaanang pagsubok na bahagi ng buhay pamilya upang protektahan ang kasagraduhan ng sakramento ng matrimonyo.
Pagbabahagi ni Bishop Billones, ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon ng lipunan kayat bahagi ng pagpapaunlad ng sa bansa ang pagpapatatag at pagbibigay proteksyon sa kasagraduhan ng kasal at pamilya.
“May I exhort the couples and the families to not give up on each other, do not give up on love with even with the hurts we can still navigate them with the grace of God that is why we make a stand to protect the sanctity of marriage. The statement of the Bishops is ‘a nation founded in family, and marriage is the foundation of the family’. When we want to protect the nation then we must protect the family. If we want to protect also the family, we must protect marriage.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Billones.
Sinabi ng Obispo na personal niyang naranasan at nasaksihan ang pagharap sa pagsubok sa relasyon ng kanyang mga magulang na hinarap ng buong tapang para manindigan sa kanilang pag-ibig at relasyon.
“With all my exhortation, I thanked my parents because they’re not perfect, but they have driven to go back and to continue working out their difficulty… My prayer goes to all families and couples especially those who are hurting, remember this, there will always be an option it takes so much courage to leave but so much more courage in love to go back and fight for the marriage until the end.” Dagdag pa ni Bishop Billones.
Unang iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mababago ang posisyon ng Simbahan laban sa isinusulong na pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.
Matatandaang ika-22 ng Mayo, 2024 ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill na nagsusulong sa pagsasabatas ng diborsyo sa bansa kung saan 131 mambabatas ng bumuto pabor sa nasabing panukalang batas habang 109 naman ang tumutol at 20 ang nag-abstain.
Ang absolute divorce bill ay isinumite na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado.