Cardinal David, nagpaabot ng suporta kay Fr. Villanueva

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,040 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee, Rev. Fr. Flaviano “Fr. Flavie” Villanueva, SVD kasunod ng mga alegasyong ibinabato laban sa Pari.

Sa pahayag ni Cardinal David sa kanyang Facebook page na may titulong “Thou Shalt Not Bear False Witness…”, binigyang-diin ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang matagal na niyang pagkakakilala kay Fr. Villanueva partikular na ang walang pagod na paglilingkod nito sa mahihirap, lalo na sa mga pamilya ng mga biktima ng karahasan at mga taong nangangailangan ng kalinga at paggabay.

Ayon kay Cardinal David, kilala si Fr. Villanueva sa kanyang malasakit, integridad, at malalim na paggalang sa dignidad ng bawat tao.

“I join the SVD (Society of the Divine Word) in expressing support for their confrere, Fr. Flaviano “Fr. Flavie” Villanueva, SVD. I have known Fr. Flavie for many years and have witnessed firsthand his unwavering commitment to the human dignity of the poorest of the poor, especially the families of victims of violence and those who often have no one else to accompany them in their suffering. Those who know him know that his ministry has always been marked by compassion, integrity, and a profound respect for human life.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Bagamat kinikilala ni Cardinal David ang kahalagahan ng masusing pagsisiyasat sa anumang alegasyon, iginiit ng Obispo na kinakailangan itong samahan ng sapat na ebidensya at paggalang sa due process upang mapatunayan ang bawat paratang sa isang indibidwal.

“While allegations must always be taken seriously and examined responsibly, they must also be supported by evidence. No person’s good name should be destroyed by unsubstantiated accusations.” Ayon kay Cardinal David.

Binigyang diin din ni Cardinal David na ang pagkilala ng Ramon Magsaysay Award Foundation kay Fr. Villanueva na sumailalim din sa mahigpit na proseso ng pagsusuri, ay isa ring patunay sa matagal nang paglilingkod at dedikasyon ng Pari sa pagtatanggol sa dignidad ng tao.

“I find it difficult to believe that a man whose life and work have earned the respect of so many, including the recognition bestowed upon him by the Ramon Magsaysay Award Foundation after its own rigorous vetting process, would suddenly be reduced to the caricature painted by reckless allegations.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Bukod sa pakikiisa kay Fr. Villanueva, ibinahagi rin ni Cardinal David ang kanyang pananalangin para sa pananaig ng katotohanan, katarungan, at tamang proseso ng batas sa pagtalakay sa usapin sa gitna ng kontrobersiya.
“I stand with Fr. Flavie. I pray that truth, fairness, and due process will prevail, and that those who have dedicated their lives to serving the poor and defending human dignity will not be silenced or discredited by unfounded accusations.” Ayon pa kay Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,145 total reads

 42,145 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,281 total reads

 92,281 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,152 total reads

 140,152 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,101 total reads

 244,101 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,046 total reads

 328,046 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top