Stella Maris Philippines, hinamong protektahan ang mga sea worker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,414 total reads

Hinimok ni Stella Maris CBCP Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga kasapi ng Stella Maris–Philippines na manatiling matatag sa kanilang misyon ng paglilingkod sa mga marino, mangingisda, port workers, at kanilang mga pamilya sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ng sektor.

Sa isinagawang National Consultation-Meeting ng Stella Maris–Philippines sa Antipolo City, binigyang-diin ng obispo na tulad ng mga paglalayag sa dagat, hindi maiiwasan ang mga pagsubok o suliranin sa buhay at ministeryo ngunit sa tulong ng Diyos at pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay malalampasan ang mga ito.

“It is a profound blessing for us to hold our national consultation-meeting here in Antipolo, the home of our beloved Blessed Virgin Mary, whom we lovingly invoke as the Mapaghimalang Birhen ng Antipolo. Here, under her maternal embrace and protection, we gather as one Stella Maris family: renewed, strengthened, and inspired.

We are truly happy and honored to welcome you all,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Ayon pa kay Bishop Santos, ang Banal na Mag-anak ay nagsilbing halimbawa ng pagtitiis, pagtitiwala, at paglalakbay sa gitna ng kawalang-katiyakan, karanasang maihahalintulad sa buhay ng maraming seafarers at migrant workers sa kasalukuyan.

Iginiit ng obispo na mahalagang ipagpatuloy ng Stella Maris ang pag-akay, pakikiisa, at pagdamay sa mga taong nabubuhay at nagtatrabaho sa dagat upang matiyak na hindi sila nag-iisa sa kanilang mga hamon at sakripisyo.

“In the same way, we are invited to offer our own victories over trials, our endurance through hardships, and our perseverance in ministry. Every challenge we overcome becomes an offering of love. Every sacrifice becomes a prayer. Every act of service becomes a participation in Mary’s own mission of bringing Christ to others. Offer your journey to God,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos sa pagtitipon ng Stella Maris Philippines.

Kaugnay nito, paulit-ulit na binigyang-diin ni Pope Francis noon na ang mga marino at migrant workers ay mahalagang bahagi ng pandaigdigang komunidad at nararapat na makatanggap ng pagkalinga, pagkilala, at proteksyon.

Hinikayat din niya ang Simbahan na maging tanda ng pag-asa at pakikipagkapwa sa mga taong malayo sa kanilang mga tahanan at pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,444 total reads

 212,444 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,117 total reads

 247,117 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,017 total reads

 263,017 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,507 total reads

 299,507 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,494 total reads

 305,494 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top