Pagbabagong-loob, hamon ni Bishop Pabillo sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,567 total reads

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino lalu na ang mga Senador na isulong ang pagkakaisa at isipin ang higit na paglilingkod sa bayan at hindi para sa iilan na may kapangyarihan.

Hinikayat ni Bishop Pabillo ang mamamayan na bantayan ang mga kaganapan sa Senado sa kabila ng kalituhan at mga usapin kaugnay ng quorum at pamumuno sa institusyon.

Paanyaya din ng Obispo sa publiko na ipanalangin na manaig ang katotohanan at mapagtanto ng mga Senador na isantabi ang pansariling interes at magbagong-loob.

“Nakita natin na ang gulo sa senate at mahirap maintindihan ang kanilang mga ginagawa. Pag-uusap nila ng mga quorum, sino ba ang tama at sino ba ang ganon kaya sa ating- pasubaybayan ang mga nangyayari kasi lalabas din ang katotohanan pero samahan natin ng panalangin, panalangin para sa atin para gabayan tayo ng Banal na Espiritu na malaman ano ang tama, ano yung mali, At panalangin din para sa ating mga senators na sana magbagong loob sila, na ang hahanapin sana ay hindi yung kanilang posisyon, ang kanilang prestige, ang kanilang gustong gawin. alamin natin ano ba yung tama at ano yung kabubuti ng bayan kasi sa ngayon, parang hindi na nakikinabang ang mga tao sa Senado,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nanawagan din ang Obispo sa mga senador na suriin ang kanilang mga layunin at ituon ang kanilang paglilingkod sa kapakanan ng mamamayan sa halip na sa personal na posisyon o interes.

Ikinalulungkot din ni Bishop Pabillo ang mga usapin tungkol sa mga posisyon sa Senado na naging sentro ng pag-aaway sa halip na talakayin ang mga batas at programang makatutulong sa taumbayan.

Ayon sa Obispo, mahalaga din na isama sa panalangin ang mga Senador upang gabayan sila ng Diyos at maibalik ang kanilang layunin tungo sa tunay na paglingkod sa publiko.

Ginawa ng Obispo ang panawagan sa gitna ng umiinit na tension sa Senado kaugnay sa agawan ng poder at re-alignment ng majority at minority.
Paulit-ulit na itinataguyod ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng tapat at makataong pamamahala na nakatuon sa kabutihan ng lahat ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,467 total reads

 212,467 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,140 total reads

 247,140 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,040 total reads

 263,040 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,530 total reads

 299,530 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,516 total reads

 305,516 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top