Youth directors at youth ministers, hinimok na maging pro-active

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,410 total reads

Hinimok ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang mga youth director at youth minister sa bansa na maging mapanatag, mahinahon, at responsable sa kanilang pamumuno sa gitna ng maraming hamon sa ministeryo at ng mabilis na pagbabago ng lipunan.

Sa kanyang homiliya sa misang ginanap sa Sagrada Familia Chapel sa Quezon City, sa pagtatapos ng First National Youth Directors Assembly, binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagiging “self-possessed” o may kontrol sa sarili upang epektibong magabayan ang mga kabataan.

Ayon kay Archbishop Alarcon, mahalagang maging maagap sa pagharap sa mga suliranin sa halip na maging pabigla-bigla sa pagkilos at pagpapasya.

“To be proactive rather than reactive. A person who is self-possessed does not react impulsively,” ayon kay Archbishop Alarcon.

Paliwanag ng arsobispo na ang isang mabuting youth leader ay may tiwala sa sarili ngunit hindi kailanman nagiging mapagmataas.

“A person who is self-possessed is a youth director who has confidence, pero hindi siya arrogant,” dagdag ni Archbishop Alarcon.

Binigyang-diin pa ng arsobispo na sa panahon ng matinding pressure, napakaraming pagpipilian, at sunod-sunod na mga gawain, kinakailangan ng mga youth minister ang emosyonal na katatagan at malinaw na pagtukoy sa mga prayoridad upang maipagpatuloy ang kanilang misyon ng paggabay sa mga kabataan patungo kay Kristo.

Dinaluhan ng mga youth director, youth minister, at mga opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Youth mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang pambansang pagtitipon na naglalayong palakasin ang pamumuno at misyon ng youth ministry sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,118 total reads

 42,118 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,257 total reads

 92,257 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,128 total reads

 140,128 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,077 total reads

 244,077 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,023 total reads

 328,023 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top