Maging instrumento ng kagalalan,katarungan at kanlungan ng mga naaapi-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,082 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging tunay na katawan ni Kristo sa mundo sa pamamagitan ng malasakit, pakikipagkaisa, at paghahandog ng sarili para sa kapwa.

Ito ang mensahe ni Cardinal Advincula sa Corpus Christi Sunday mass sa Minor Basilica of Our Lady of the Pillar – Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament o Sta. Cruz Church,Maynila.
Ayon kay Cardinal Advincula, ipinakikita ng Kabanal-banalang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo ang ganap at tapat na pagbibigay ng sarili ni Hesukristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan at inaanyayahan ang bawat Kristiyano na tularan ang halimbawa ng Panginoon.

“Ipinapahiwatig ng ating pagdiriwang ngayon ang komprehensibo, ganap, at tapat na pagbibigay-sarili ng ating Panginoong Heso Kristo at inaanyayahan tayong tularan ito. Hinahamon tayong gamitin ang ating mga katawan upang umabot sa iba, ialay ang lahat para sa kanila, at manatili upang magbigay-buhay at maging tunay na katawan ni Kristo sa mundo,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng Kardinal ang tatlong paraan upang maisabuhay ito: una, ang pagiging katawang nakararanas at nakaaalala ng pagdurusa kaya nagkakaroon ng malasakit sa kapwa; ikalawa, ang pagiging katawang nakikipagkaisa kay Kristo sa Eukaristiya at sa kapwa sa gitna ng mga pagkakahati-hati sa lipunan; at ikatlo, ang pagiging katawang handang magbahagi at magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang Eukaristiya ay hindi lamang pagdiriwang sa loob ng simbahan kundi isang misyon na maglingkod, magmahal, at magbigay-buhay sa kapwa, tulad ng ginawa ni Kristo.

“Ang Simbahan ni Kristo ay handang pira-pirasuhin upang maipamahagi, handang mamatay sa sarili upang magbigay-buhay sa iba. As we continue our celebration, let us ask for the grace to see our bodies in the light of the body and blood of Christ. May we use our bodies to feel and respond to the needs around us, to commune with Jesus and each other, and to be broken in order to be shared. Amen,” bahagi pa ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Hinimok ng Kardinal ang mga mananampalataya na ialay ang sarili sa Diyos upang maging instrumento ng kagalakan para sa nalulumbay, katarungan para sa naaapi, at kanlungan para sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,268 total views

 10,268 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,619 total views

 38,619 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,349 total views

 106,349 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,500 total views

 129,500 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,952 total views

 198,952 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,092 total views

 7,092 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top