354 total views
Muling nanawagan si Caritas Philippines San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa mga pinuno ng bansa na ituon ang kanilang pansin sa pananagutan, dignidad ng tao, at kabutihang panlahat sa gitna ng umiinit na usaping pulitikal na patuloy na umaagaw sa atensyon ng publiko.
Sa panibagong pahayag ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na pinamagatang “Beyond Political Spectacle: Re-centering Governance on Accountability, Human Dignity, and the Common Good,” binigyang-diin nito na ang tunay na layunin ng paglilingkod-bayan ay ang kapakanan ng mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at higit na nangangailangan.
Ayon sa Obispo, ang mga pondong nagmumula sa buwis ng mamamayan ay hindi dapat gamitin para sa pansariling interes o pulitikal na kapakinabangan kundi para sa pagsusulong ng kabutihang panlahat o ng common good.
“As public attention remains fixed on Senate leadership struggles, impeachment proceedings, political realignments, and legal controversies involving high-ranking officials, I wish to respectfully remind our leaders and our fellow Filipinos of what should remain at the center of public service: the welfare of the people, especially the poor and vulnerable… Public office exists not for self-preservation, political maneuvering, or partisan survival, but for service.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.
Muli ring binigyang-pansin ng Obispo ang mga alegasyon ng katiwalian sa malalaking proyekto sa flood control, na aniya’y may direktang epekto sa kaligtasan at kabuhayan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
“Flood control projects are not merely infrastructure concerns; they are matters of life and death. When public funds are wasted, delayed, misused, or lost to corruption, it is poor communities who suffer first and suffer most,” Ayon kay Bishop Alminaza.
Ipinahayag din ng Obispo ang pagkabahala sa mga isyu kaugnay ng pondo ng PhilHealth at sa patuloy na suliranin ng maraming Pilipino sa pag-access ng sapat na serbisyong pangkalusugan.
Ayon kay Bishop Alminaza, hindi dapat tanggapin ng lipunan ang mga pagkamatay na dulot ng korapsyon, kapabayaan, at kabiguan sa pamamahala.
“We should accept no preventable deaths caused by corruption, negligence, unfinished infrastructure, or failures in governance — because every life lost under these conditions is not only a tragedy but a moral failure that demands accountability,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Hinikayat din ng Obispo ang mamamayan na patuloy na makibahagi sa mga usaping panlipunan at maging mapagbantay sa paggamit ng pondo ng bayan, sa pagpapatupad ng pananagutan, at sa pagtiyak na ang mga institusyon ay tunay na naglilingkod sa kapakanan ng nakararami.
Samatala, muli namang iginiit ng Caritas Philippines ang panawagan para sa transparency, katotohanan, pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala, at responsableng pangangasiwa ng yaman o pondo ng bayan.
“The Church cannot remain silent when public suffering increases while accountability remains elusive. As Caritas Philippines, we continue to call for transparency, truth, participatory governance, and responsible stewardship of public resources. As people of faith, we must resist becoming distracted by political spectacle when communities continue to suffer from poverty, floods, hunger, displacement, and lack of access to basic services.” Ayon pa ka Bishop Alminaza.
Nanawagan ding muli si Bishop Alminaza sa mga lingkod-bayan na pairalin ang paglilingkod sa bayan kaysa pansariling interes, pananagutan at pagprotekta sa buhay ng tao kaysa pamumulitika upang ganap na isulong ang kabutihan at pag-unlad ng bawat Pilipino.






