Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

 36,048 total views

Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma.

Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong pinansyal.

Paalala ng Arkidiyosesis ng Cebu ang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng mga parokya at ng arkidiyosesis sakaling makatatanggap ng mensahe online at via email lalo na may kaugnayan sa paghingi ng donasyon at tulong pinansyal.

We urge everyone to exercise caution and vigilance. Should you receive emails from this address or any email containing unusual requests, kindly report them immediately to relevant authorities.” babala ng Archdiocese of Cebu.

Partikular na nagbabala ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa pekeng email account na: [email protected] na walang anumang kinalaman o kaugnayan kay Archbishop Palma.

Please beware of individuals FALSELY USING the name of ARCHBISHOP S. PALMA. We warn everyone NOT TO ENTERTAIN emails with this address: [email protected]. THIS EMAIL ADDRESS DOES NOT BELONG TO THE ARCHBISHOP.” Dagdag pa ng Arkidiyosesis ng Cebu.

Patuloy naman paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na mag-ingat sa pakikipag-ugnayan gamit ang internet lalo na sa mga nagpapakilalang lingkod ng Simbahan tulad ng mga pari, obispo, at mga opisyal ng Simbahan na karaniwang ginagamit sa panloloko at pananamantala ng ilang indibidwal.

Batay sa datos ng We are Social at Meltwater sa unang bahagi ng 2024, halos 87 milyong Pilipino ang internet user’s kung saan 86.7 milyon dito ang gumagamit ng social media o katumbas sa halos 74 na porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 70,880 total views

 70,880 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 78,655 total views

 78,655 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 86,835 total views

 86,835 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 102,442 total views

 102,442 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 106,385 total views

 106,385 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,938 total views

 22,938 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,608 total views

 23,608 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top