18,851 total views
Hinamon ng mga labor group ang pamahalaan at employers na titiyaking ligtas ang mga lugar ng paggawa mula sa matinding init.
Iginiit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na responsibilidad ng employers na mapanatiling ligtas sa mga manggagawa ang mga workplaces habang nakaatang naman sa pamahalaan ang pagpapatupad ng mga occupational health and safety standards (OSH).
“Sobrang init ng panahon, dulot ng pagbabago sa klima o climate change na mainly accountable ang malalaking korporasyon na sumisira sa kalikasan para sa kanilang tubo. Dagdag rito, responsibilidad ng gobyerno at mga employer na tiyakin na ang mga manggagawa ay ligtas habang nagtatrabaho,” mensahe ni KMU Secretary-general Jerome Adonis sa Radio Veritas.
Binigyan diin naman ng Federation of Free Workers-Mindanao na nararapat na manatiling makatao ang pamamalakad ng mga employers sa kanilang manggagawa.
Ayon kay FFW-Mindanao President Maria Nelfa Bermudez, karapatan ng mga manggagawa na maging komportable at hindi mangamba sa kanilang kaligtasan na maaring idulot ng matinding init.
Iminungkahi naman FFW-Mindanao ang panunumbalik sa Hunyo ng pagsisimula ng school year upang maiwasan ng mga mag-aaral ang pagkaantala ng kanilang klase ng dahil sa tag-init.
“A swift return to the traditional June to March academic year seeks to mitigate the educational and health impacts of the high temperatures on school children and the workforce, while we call for a rapid return to a June school opening, all stakeholders should be sufficiently prepared for the transition process since at the end of the day, we do not want to undermine the quality of education and the other facets of decent work for teachers and school staff,” mensahe ni Bermudez sa Radio Veritas.
Una ng nananawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga employers na tiyaking ang mga lugar ng paggawa para sa mga manggagawang nagtatrabaho lamang upang masuportahan ang kanilang sarili o pamilya