Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Total ban sa POGO, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 9,065 total views

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa lahat ng aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, tama ang desisyon ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) upang mapabuti ang ekonomiya at mabawasan ang krimen sa Pilipinas.

“The decision of our President Ferdinand Marcos Jr to finally shutdown Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) should be applauded. It is good for our country, particularly in the midst of its allegedly linked to activities of crimes, scams, and torture. This move of President Marcos is not only the right decision. It is the best decision,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, sa tulong ng deklarasyon ng Pangulo, mababawasan din ang mga kaso ng prostitusyon, ilegal na droga, scams at torture hindi lamang sa mga Pilipino kungdi pati narin sa mga Chinese Nationals na nabibiktima ng human trafficking.

Labis din ang pasasalamat ni Bishop Santos dahil ipinapakita ng hakbang ni Pangulong Marcos ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay dahil sa pamamagitan ng pagbabawal ay mababawasan pa ang mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa POGO.

“By getting rid of POGO, we save lives by eliminating this grip of vice from our surroundings seeking to squeeze the morals out of us, If our life is to resemble that of Christ, we must avoid all types of vices and everything that would hinder our perfect conformity to Christ, thereby making the future of our people brighter, better and bigger. Laudate Deum,” pahayag ni Bishop Santos.

Umani din ng suporta sa mga mambabatas ang pahayag ng Pangulong Marcos sa kanyang SONA.

Sa datos ng Philippine National Police noong 2023, simula noong 2019 hanggang 2022 ay umaabot sa 102 ang kaso hinggil sa paglabag ng POGO sa batas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 1,238 total views

 1,238 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 9,763 total views

 9,763 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 22,211 total views

 22,211 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 57,371 total views

 57,371 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 64,572 total views

 64,572 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top