Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,447 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan.

Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni Hesus.

Tinukoy ng santo papa ang nagpapatuloy na digmaan sa mga bansa sa Europa at Middle East na labis nagdulot ng pinsala sa pamayanan lalo na sa kabataan at mahihinang sektor ng lipunan.

“Let us not cease to pray for peace, a just and lasting peace, especially for tormented Ukraine and for Palestine and Israel. May the Spirit of the Risen Lord enlighten and sustain all those who work to decrease the tension and encourage gestures that make negotiations possible,” ayon sa pahayag ni Pope Francis.

Sa ika – 773 araw ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine muling nagsagawa ng missile strike ang Russia sa Kharviv na ikalawa sa pinakamalaking lunsod ng Ukraine na ikinasawi sa walong indibidwal habang hindi bababa sa 10 ang nasugatan.

Ayon sa datos ng United Nations High Commissioner for Human Rights mahigit 30-libong katao na ang nasawi mula nang kubkubin ng Russia ang Ukraine kung saan pinakamaraming naitala noong March 2022 na umabot sa halos apat na libo.

Samantala sa anim na buwaang sigalot sa pagitan ng Israel at Hamas Militant group nasa 33-libong katao na ang nasawi at 75-libo ang nasaktan batay sa ulat ng gaza Health Ministry kung saan kabilang sa mga nasawi ang 170 volunteers ng United Nations na naghatid ng tulong sa mga naiipit na sibilyan sa Gaza Strip.

Dalangin ni Pope Francis na magbuklod ang mga lider ng bawat bansa para sa kapakinabangan ng mga mamamayang naiipit sa digmaan at karahasan.

“May the Lord give leaders the capacity to pause a little in order to deliberate, to negotiate,” giit ni Pope Francis.

Patuloy ang pakikiisa ng simbahan sa Pilipinas sa pananalangin para sa kahinahunan at kapayapaan sa buong daigdig lalo na sa mga bansang umiiral ang digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 4,357 total reads

 4,357 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 46,204 total reads

 46,204 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 80,331 total reads

 80,331 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 136,737 total reads

 136,737 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top