Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,085 total reads

Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.

Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

Sa ilalim ng pangkabuuang tema ng Walk for Life 2024 na “Together, We Walk for Life” ay umaasa ang Archdiocese of Palo na makiisa ang mga mananampalataya sa Leyte sa mariing paninindigan para sa buhay, laban sa extrajudicial killings at anumang banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

Itinakda bilang assembly points ng mga makikibahagi sa gawain ang limang bikaryato sa arkidiyosesis patungo sa Palo Metropolitan Cathedral kung saan mayroong maikling programa bago ang isasagawang banal na misa.

Magsisilbing pangunahing tagapagsalita sa gawain si Rev. Fr. Jonathan Raagas na siyang spiritual director ng Junior and Senior High School Department ng Sacred Heart Seminary.

Pangungunahan naman ni Archdiocese of Palo Vicar General Rev. Msgr. Gilbert Urbina ang banal na misa habang magbabahagi ng maikling talumpati si Archdiocese of Palo Council of the Laity President Edna Ayaso at Rev. Fr. Paulino Cabahit na siyang spiritual director ng Council of the Laity ng arkidiyosesis.

Naunang isinagawa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Walk for Life 2024 sa University of Santo Tomas noong ika-17 ng Pebrero, 2024 kung saan pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na misa para sa may 4-na libong nakibahagi sa taunang gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 936 total reads

 936 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,590 total reads

 51,590 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,956 total reads

 136,956 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,692 total reads

 183,692 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,563 total reads

 231,563 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,043 total reads

 333,043 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top