Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OceanaGold Philippines, kinasuhan sa Bayombong RTC

SHARE THE TRUTH

 9,919 total views

Mariing nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao upang mahinto ang operasyon ng pagmimina sa Barangay Kasibu, Didipio, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Bishop Mangalinao, maituturing na ilegal ang Didipio mining operations ng OceanaGold Philippines Inc. (OGPI) dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao at pangkalikasan.

Ang pahayag ng obispo ay bahagi ng kanyang pagninilay sa pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday at bago ang pagsasampa ng kaso laban sa OGPI upang ihinto ang 2021 renewal ng Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa Didipio mining.

“Ilegal ang renewal na ito dahil hindi dumaan sa proper and prior consultation. Hindi nagkaroon ng panibagong environmental impact assessment. Mismo ang Environment Code ng Nueva Vizcaya ay hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng open-pit mining,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Iginiit ni Bishop Mangalinao ang kahandaan nitong lumaban para sa ikaliligtas ng likas na yaman ng Nueva Vizcaya laban sa mga mapaminsalang pag-unlad.

Hamon ng obispo sa mamamayan na makiisa sa panawagan upang tuluyang mapahinto ang pagmimina sa lalawigan.

“I am putting myself on the line for our environment. And I ask you to rally behind us,” giit ni Bishop Mangalinao.

Kasabay ng pagdiriwang sa Earth Day nitong Abril 22, 2024, nagtungo ang mga kinatawan ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC), Diyosesis ng Bayombong, at mga apektadong pamayanan sa Bayombong Regional Trial Court para magsampa ng kaso laban sa operasyon ng OceanaGold sa lalawigan.

Sa 400-pahinang petisyong inihain sa Bayombong RTC, inihayag ng mga nagsampa ng petisyon na ayon sa Section 26 at 27 ng Local Government Code, kinakailangang ang pamahalaan ay magsagawa ng lokal na konsultasyon at humingi ng pahintulot sa bawat proyektong may malaking epekto sa kalikasan, kabilang ang pagsasaayos ng FTAA ng OceanaGold.

Dagdag pa na ang Presidential Decree No. 1151, Presidential Decree No. 1586, at ang Philippine Mining Act ay nangangailangan ng Environmental Clearance Certificate (ECC) at Environmental Impact Statement (EIS) batay sa Environmental Impact Assessment (EIA) para sa bawat proyektong may malaking epekto sa kalikasan.

Mahigpit ding ipinagbabawal alinsunod sa Nueva Vizcaya Provincial Environment Code Ordinance ang open pit mining ng Didipio Mine.

Gayunman, nagpatuloy pa rin ang operasyon ng open pit mining sa Didipio sa loob ng tatlong taon matapos ipag-utos ang pagpapahinto sa nasabing pagmimina.

Sakaling pagbigyan ang petisyon, ang addendum at renewal agreement para sa FTAA No. 001 ay mapapawalang-bisa dahil sa paglabag sa mga naaangkop na batas, at mag-uutos sa pangulo na bawiin ang mga karagdagang dokumento at kasunduan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 32,853 total views

 32,853 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 40,334 total views

 40,334 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 53,474 total views

 53,474 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 59,447 total views

 59,447 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 65,200 total views

 65,200 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

Archdiocese of Nueva Segovia, nanawagan ng tulong

 567 total views

 567 total views Higit 600-pamilya o 3,000 indibidwal ang nangangailangan ng tulong sa Arkidiyosesis ng Nueva Segovia sa Ilocos Sur matapos na maapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at Habagat. Ibinahagi ni Caritas Nueva Segovia executive director, Fr. Danilo Martinez na lubhang naapektuhan ng kalamidad ang mga parokya ng Santa, Narvacan, Sta. Maria, Caoayan, at

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

3-M pisong tulong, naipamahagi ng Caritas Manila sa typhoon Carina victims

 646 total views

 646 total views Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila sa mga biktima ng pananalasa ng super typhoon Carina at hanging Habagat. Batay sa situational report, umabot na sa halos tatlong milyong piso ang naipamahaging tulong ng Caritas Manila sa higit 2,500 pamilyang lubhang apektado ng kalamidad sa National Capital Region.Sa

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

10 parokya sa Diocese of Cubao, nalubog sa baha

 1,116 total views

 1,116 total views Sampung parokya sa Diocese of Cubao ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat. Ayon kay Cubao social action director, Fr. Ronnie Santos, pinakamatinding apektado ng nagdaang sakuna ang San Antonio de Padua Parish sa San Francisco del Monte at Most Holy Redeemer Parish sa Masambong sa Quezon City.

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

2nd collection para sa typhoon Carina victims, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

 1,406 total views

 1,406 total views Inatasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga parokyang saklaw ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng second collection para sa mga biktima ng Bagyong Carina. Sa liham-sirkular ni Cardinal Advincula, inihayag nito ang pakikiisa at pananalangin para sa mga lubhang naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha. Isasagawa ang pangangalap ng second

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Most Holy Redeemer Parish, umaapela ng tulong

 2,444 total views

 2,444 total views Umapela ng tulong ang Most Holy Redeemer Parish, Masambong, Quezon City para sa mga biktimang apektado ng pananalasa ng Bagyong Carina at hanging Habagat. Ayon kay Parish Priest Administrator, Fr. Edwin Peter Dionisio, OFM, umabot na sa halos five feet o limang talampakan ang lalim ng baha sa loob ng simbahan kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining at all costs policy ni PBBM, pinuna ng ATM

 3,072 total views

 3,072 total views Patuloy pa ring isinasantabi ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mahihirap na pamayanan upang pagtuunan ang pagpapalakas sa mapaminsalang industriya ng pagmimina. Ito ang pahayag ni Alyansa Tigil Mina Chairperson Rene Pamplona kaugnay sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon kay Pamplona, dalawang taon

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

10-milyong katutubo sa bansa, dumaranas ng kahirapan

 3,734 total views

 3,734 total views Inihayag ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na naranasan ng nasa 10 milyong katutubo sa bansa ang pinakamatinding kahirapan sa loob ng isang dekada sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon sa LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, tumaas ng 79-porsyento ang antas ng kahirapan sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Act with creation, hamon ni Pope Francis sa mananampalataya

 6,015 total views

 6,015 total views Hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na yakapin ang buhay na puno ng pananampalataya at pag-asa, na nag-uugnay hindi lamang sa Diyos at kapwa, kundi maging sa sangnilikha. Ayon kay Pope Francis, ang pagkakaroon ng pag-asa at pagkilos kasama ang sangnilikha ay nangangahulungan ng pamumuhay ng pananampalatayang nagkatawang-tao. Ipinaliwanag ng Santo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

 7,156 total views

 7,156 total views Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa. Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA)

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 5,996 total views

 5,996 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 9,862 total views

 9,862 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 10,329 total views

 10,329 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 7,168 total views

 7,168 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 7,458 total views

 7,458 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 13,495 total views

 13,495 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top