SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,854 total reads

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril.

Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan.

Ayon kay Padilla, malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan hindi lamang para sa lipunan kundi maging para sa Simbahan.

Partikular ding kinilala ni Padilla ang pambihirang dedikasyon at pagsusumikap ng mga kababaihan na maisakatuparan ang mga gawaing lalo na para sa pagsasakatuparan ng misyon ng Simbahan na maging daluyan ng habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan.

“The Sangguniang LAIKO ng Pilipinas is one in prayer with Pope Francis on the role of women in the Church. Dito sa Pilipinas mahalaga ang role ng mga babae sa Simbahan. Maraming nagagawa and nangyayari sa mga gawain sa Simbahan dahil sa passion and dedication ng mga babae.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radio Veritas.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Padilla sa pagbibigay pansin at pangunguna ni Pope Francis sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para bigyang tapang at lakas na i-ambag ang mga katangian at kakayaha sa ikakauunlad ng lipunan.

“Masaya ang LAIKO na nakikita ni Pope Francis na kailangan ng dasal at focus ang mga babae, para ma-encourage pa sila lalo at marami pang magagawa.” Dagdag pa ni Padilla.

Nakapaloob sa prayer intention ni Pope Francis para sa buwan ng Abril ang paanyaya sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan ng mga kababaihan sa lipunan.

Ayon sa Santo Papa Francisco, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat upang protektahan ang mga karapatan, kapakanan at dignidad ng mga kababaihan na kadalasang naisasantabi at dumaranas ng iba’t ibang diskriminasyon sa lipunan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,488 total reads

 60,488 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,517 total reads

 139,517 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,962 total reads

 172,962 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,260 total reads

 208,260 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,335 total reads

 432,335 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top