30,928 total views
Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan.
Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas o KAPATID na mula Hulyo 2022 ay may naitalang kaso ng human rights violations sa lalawigan na hinihinalang may kaugnayan sa counter-insurgency drive ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa grupo, ngayong buwan ng Abril 2024 ay humigit kumulang 128 na ang bilang ng political prisoners sa Negros island na katumbas ng 16-porsyento ng kabuuang bilang ng political prisoners sa bansa.
“A hundred political prisoners in Negros island will hold another 24-hour fast this coming Friday (April 19) to call on the Commission on Human Rights (CHR) National Office to press on with its initial efforts for a thorough and impartial investigation on the numerous human rights violations in Negros since July 2022, which are widely-believed to be an integral part of the Marcos Jr.’s counter-insurgency drive in the island.” pahayag ng KAPATID.
Ibinahagi ng grupo na ika-9 ng Marso, 2024 ng inihayag ng (CHR) Negros Occidental na hindi umuusad ang kanilang imbestigasyon sa dumaraming bilang ng mga human rights at international humanitarian law violations dahil sa kawalan ng kooperasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Negros.
Sinabi ng grupong KAPATID na mahigit 40-araw na ang nakalipas ay wala pa ring natanggap na pagtugon ang kapamilya ng mga biktima ng iba’t ibang karahasan sa lalawigan ng Negros.
Unang tiniyak ng Diyosesis ng San Carlos sa Negros Occidental ang pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa mga otoridad upang matutukan ang serye ng mga karahasan sa Negros island.
Matatandaang, ika-28 ng Hulyo 2019 ng magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diyosesis ng San Carlos tuwing alas-otso ng gabi para matigil ang karahasan sa lalawigan.