Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 52,252 total views

Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon.

Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng sistema ng edukasyon na magpatuloy at mag-adapt kahit pa maraming mga pagsubok na pumapalibot dito. Nangangailangan ito ng mga hakbang o measures, pati na rin equipment at imprastraktura upang epektibong maisakatuparan. Nakatutok din ito sa kalidad. Kailangan makapagbigay ang sektor ng de kalidad na edukasyon upang ang potensyal at oportunidad ng mga bata para sa mas magandang hinaharap ay hindi mako-kompromiso.

Isa sa mga halimbawa ng resilience sa education ay ang kagalingan ng mga paaralan na maging flexible sa modality ng education provision. Halimbawa, kapag tinatawag ng panahon na maging online muna ang mode of teaching, madaling makaka-shift ang mga paaralan at mga bata sa ganitong set-up. Pag kailangan naman nasa classroom ang mga bata, madali din silang makakabalik at makaka-adjust.

Ngayon ngang tag-init, maraming paaralan ang nag-sususpinde ng klase dahil sa matinding init. Sa ganitong panahon, maaaring mag-shift online ang mga klase ng mga bata, o di kaya magshift sa modules. Ang mga bata ay makapag-patuloy pa rin ng pag-aaral sa paraang akma sa panahon at pangangailangan.

Kaya lamang kapanalig, mahirap maging resilient ang sector kung kulang sa imprastraktura at kagamitan. Ayon nga sa senado noong nakaraang taon lamang, 1.8% lamang ng public schools sa bayan ang may free access sa public wifi. Maraming rural areas sa ating bayan, mahina pa ang internet connection kaya’t challenging ang online learning. Kung modules naman ang gagawing paraan, maraming mga rural na paaralan ang hirap makapag-provide nito dahil sa kakulangan sa equipment at budget.

Dito kailangan ng tulong ng mga ating paaralan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar. Ang resilient na edukasyon ay dapat maging matibay at flexible para sa lahat, hindi lamang para sa iilan. Paalala ng Catechism of the Catholic World, ang impormasyon mula sa media, sa panahon natin ngayon ay internet at teknolohiya naman, ay dapat para sa serbisyo ng common good o kabutihan ng lahat. Wala dapat naiiwan ni isa sa atin. Ang lahat ng mamamayan ay may karapatan sa resilient education, at ang pagtiyak sa access para dito ay tungkulin nating lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,488 total views

 17,488 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,576 total views

 33,576 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,296 total views

 71,296 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,247 total views

 82,247 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,864 total views

 25,864 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 17,489 total views

 17,489 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,577 total views

 33,577 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,297 total views

 71,297 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,248 total views

 82,248 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,094 total views

 92,094 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,821 total views

 92,821 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,610 total views

 113,610 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,071 total views

 99,071 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,095 total views

 118,095 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top