Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malayo sa kumakalam na sikmura

SHARE THE TRUTH

 73,903 total views

Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto at serbisyong gawa rito sa Pilipinas. Wika ng kalihim, magandang balita ito lalo na’t umabot din sa 6.4% ang GDP growth ng bansa sa unang quarter ng 2023.

Halos kasabay ng datos na ito ang paglabas naman ng Social Weather Stations (o SWS) kamakailan ng resulta ng dalawang survey na ginawa nito noong Marso. Batay sa kanilang survey, 14.2% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng taon. Katumbas ito ng halos apat na milyong pamilyang nakaranas ng pagkagutom at walang makain sa unang tatlong buwan ng 2024. Tumaas ito kumpara sa 12.6% noong Disyembre 2023. Ito na rin ang pinakamataas na porsiyento ng involuntary hunger mula noong Mayo 2021 na pumalo ng 16.8% sa kasagsagan ng pandemya. Sa isa pang survey ng SWS, lumabas na 46% ang self-rated poverty sa bansa. Ito ay katumbas ng halos labintatlong milyong pamilya na nagsabing sila ay mahirap. Bahagyang bumaba naman ito mula sa 47% noong Disyembre 2023.

Sa kabila ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya, dumarami ang mga pamilyang nagugutom at halos kalahati pa rin ang nagsasabing mahirap sila. Hindi natin maiwasang tanungin kung sino nga ba ang nakikinabang sa sinasabing pag-unlad na ito na tila napakalayo sa kumakalam na sikmura ng mga dukha.

Gaya ng binabanggit sa Catholic social teaching na Laudato Si’, laganap sa ating lipunan ang pananaw na kayang solusyunan ng simpleng economic growth ang kahirapan at kagutuman sa mundo. Ngunit katulad ng wika ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal, hindi sapat ang pag-usbong ng ekonomiya upang makamit ang integral human development ng bawat isa sa atin. Sa katunayan, ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya pa nga natin—kung saan prayoridad ang pagpapalago ng yaman at kita—ang nagdudulot ng kahirapan, kagutuman, at ‘di pagkakapantay-pantay. Nakikita natin ito sa mga sinasabing development projects kung saan isinasakripisyo ang kalikasan at may mga isinasantabing mga tao at sektor. Nakikita natin ito sa patuloy na mining operations ng malalaking kumpanya na sumisira sa kapaligiran at kabuhayan ng mga komunidad. Nakikita natin ito sa patuloy na reklamasyon sa Manila Bay kahit napipinsala at nauubos na ang kabuhayan ng mga mangingisda at magtatahong sa mga apektadong komunidad. Nakikita natin ito sa konstruksyon ng nagtataasang gusali sa kalunsuran na itinayo ng mga manggagawang nagtitiis sa maliit sa sahod. Nakikita natin ito sa mga patakarang kumikiling sa mga may sasakyan at mga infrastructure projects na nagbubuga ng greenhouse gases na nagpapalala sa climate crisis. Pinakaapektado ng krisis na ito ang mga bulnerableng sektor gaya ng mga magsasaka.

Sa kanyang mensahe noong 2021, sinabi ni Pope Francis na ang kahirapan at kagutuman ay pagkakait ng karapatang pantao. Aniya, indikasyon ito ng kawalan ng hustisya at pag-ipon ng yaman at kapangyarihan sa kamay ng iilan. Sa pagkamit ng komprehensibo at inklusibong kaunlaran, hindi lamang ang pag-usbong ng ekonomiya ang dapat na nangingibabaw. Kailangang napapangalagaan din ang kapaligiran, nasisiguro ang panlipunang katarungan, at nakakamit ang totoong pag-unlad.

Mga Kapanalig, alalahanin natin ang mga salita sa Santiago 2:15-17: “Patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.” Higit pa sa panandaliang pagtulong sa ating mga “kapatid na walang maisuot at walang makain,” isabuhay rin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga pagkilos upang makamit ang katarungan para sa mga mahihirap, nagugutom, at isinasantabi.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 25,227 total views

 25,227 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 75,790 total views

 75,790 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 23,277 total views

 23,277 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 80,970 total views

 80,970 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,165 total views

 61,165 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 25,228 total views

 25,228 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 75,791 total views

 75,791 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 80,971 total views

 80,971 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,166 total views

 61,166 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,056 total views

 45,056 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,737 total views

 53,737 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,499 total views

 68,499 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,614 total views

 75,614 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,744 total views

 49,744 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,516 total views

 49,516 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,217 total views

 49,217 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,551 total views

 41,551 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,131 total views

 81,131 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,685 total views

 88,685 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,568 total views

 84,568 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top