121,268 total views
Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito?
Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso. Sa BICAM, pinag-iisa, binubusisi, binabago, binabawasan at dinadagdagan ang bersiyon ng Kamara at Senado sa panukalang batas tulad ng General Appropriations Act o ang national budget. Sa BICAM, isinasapinal ang pinag-isang bersyon ng panukalang batas na isusumite sa Office of the President na lalagdaan ng pangulo ng bansa upang ganap na maging batas.
Sa pag-aaral ng Center for National Budget (CNB), sa bicameral conference committee nagaganap ang budget insertions, budget parking, mga unprogram funds., Kapanalig, dito nakatago ang bilyun o maaaring trilyong pisong pork barrel ng mga mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan maging ng Office of the President. Sa GAA 2024 naisingit ang probisyon na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Finance na i-transfer sa national treasury ang 89.9-bilyong pisong sobrang government subsidies sa PHILHEALTH. Natuklasan din dito ang bilyun-bilyong pisong anprogrammed appropriations.
Ang panukalang buksan sa publiko ang buong proseso ng bicameral conference committee ay umani ng suporta sa liderata ng Kamara, Senado, Office of the President… kasama din ang civil society groups.
Para daw muling makuha ang tiwala ng publiko, napananahon ng isasapubliko ang BICAM sa 2026 budget deliberation.
Kapanalig, ang panukalang “openbicam” ay suntok sa buwang panukala. Ilang mambabatas kaya ang papayag na mawalan ng pinagkakakitaan? Ibubukas sa publiko na naka-livestream ang Bicam meetings,committee hearings at ilalatag sa publiko ang kumpletong minutes at transcripts?
Noong 18th Congress, inihain ni Senator Joel Villanueva at Ping Lacson ang Senate Bill No. 24, o People’s Participation in the National Budget Process Act na hindi man lang pinansin. Para lang may pag-usapan, muli na namang binuksan ang usapin sa simula ng 20th Congress?
Kapanalig, hindi naman bago sa ating mga Pilipino ang umaasa., Bigyan natin ng “benefit of the doubt” ang mga mambabatas., total ipinagdiriwang ng buong Santa Iglesia ang “Jubilee of Hope”. Ipagdasal din natin na manahan sa puso at budhi ng mga mambabatas ang pag-ibig ni Hesukristo. At least, isantabi, ipagpaliban muna nila ang pansariling interes sa kaban ng bayan.
Ipinapaalala sa atin Kapanalig ng GALATIANS 6:1-5 “Brothers, if anyone is caught in any transgression, you who are spiritual should restore him in a spirit of gentleness. Keep watch on yourself, lest you too be tempted. Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ. For if anyone thinks he is something, when he is nothing, he deceives himself. But let each one test his own work, and then his reason to boast will be in himself alone and not in his neighbor. For each will have to bear his own load.
Sinasabi ng Compendium of the Social Doctrine of the Church (248) na “Every political, economic, social, scientific and cultural programme must be inspired by the awareness of the primacy of each human being over society.
Sumainyo ang Katotohanan.