Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 130,671 total reads

Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo.

Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira ang kinabukasan., nasira ang pamilya., dahil sa sugal, tumataas ang kaso ng krimen, tumataas din ang antas ng kahirapan. Ang adik sa sugal, gagawa ng kahit anong paraan maging ito ay iligal, magkaroon lamang ng pantaya.

Maraming uri ng sugal na iligal sa batas, tulad ng sabong, jueteng, masio, last two, jai alai, horse racing kabilang na ang bookie operations, game fixing, numbers, bingo…ang nakakalungkot lang Kapanalig, kung mayroong iligal na sugal, marami namang sugal ang legal, na mismong pinamamahalaan ng PSCO at PAGCOR. Di ba Kapanalig, kung bawal ang sugal., lahat dapat ay bawal? Gustong alisin ng pamahalaan ang jueteng., pinalitan naman ito ng lotto.,kung iligal ang bingo sa mga kalsada, legal naman ito sa mga casino.

Ang dating pangulong Joseph Estrada ay na-impeach dahil tumanggap ito ng jueteng payola., inimbestigahan sa Senado ang jueteng operations ng mga Pineda na sinasabing protector ang mga lokal na opisyal at opisyal ng PNP., pero hindi napatunayan na jueteng lords ang mag-asawa, hindi rin natukoy ang kanilang kasabwat na opisyal ng pamahalaan at PNP.

Dahil sa COVID 19 pandemic, namayagpag ang online sabong, dumami ang naging adik sa sugal. Marami ding sabong operators ang naging biktima ng kidnapping at summary execution. Sumikat din ang Philippine Offshore Gaming Operations(POGO) kung saan sumikat ang Chinese national si Alice Guo, mga kaalyado ng dating pangulong Rodrigo Duterte tulad ni dating Presidential spokesman na si Harry Roque na wanted sa batas.Ipinagbawal ng pamahalaan ang POGO, dahil naging ugat ito ng iba’t-ibang krimen, drug trafficking, human trafficking, prostitusyon..bawal ang online gaming?

Pero ikinaalarma ni Pablo Virgilio Cardinal David, ang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan ang pamamayagpag ng online gaming., gamit ang e-wallet, walang kahirap-hirap na makapasok ang isang sugarol sa gambling sites at mga apps. Kapanalig gamit ang e-wallet, madali lang maa-access ng sinuman ang libo-libong uri ng sugal na naka-link sa app. Maging ang Kongreso, naalarma sa dumaraming Pilipino na nalululong sa online gambling.

Nakakatakot ang accessibility ng online gaming sa e-wallet, peligro ito sa mga mahihirap na Pilipino Kapanalig, isusugal nila ang pinaghirapan sa hangarin na lumaki pa ito.

Kung gaano kadali ma-access ang mga gambling platforms sa e-wallet., ang gagawin ng e-wallet users, magload., magtop-up kung magkanong halaga ang gagamitin sa sugal., Kapag, wala ka nang pangload., nagbibigay din ang gambling platforms ng loans., puwede kang mag-loan… Nakakalungkot Kapanalig, hindi ka lang magiging gambling addict., ibabaon ka pa sa utang?

Bakit hindi ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang anumang uri ng electronic payment system at gamitin sa online gambling ang e-wallets? Dapat kumilos din ang PAGCOR at Games and Amusement Board (GAB) para kanselahin ang lisensiya ng mga online gambling operator na sangkot dito.

Hindi itinuturing sa Catechism No.2404, na ang gambling o “game of chance” na, not intrinsically evil. However, a person may only engage in these activities with a strict adherence to virtue.Sinasabi ng Catechism of the Catholic Church na ang “Games of chance [or gambling]… become morally unacceptable when they deprive someone of what is necessary to provide for his needs and those of others.”

Ipinapaalala din ng Kapanalig ng Proverbs 22:7 “The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,391 total reads

 58,391 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,544 total reads

 137,544 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,989 total reads

 170,989 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,287 total reads

 206,287 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,450 total reads

 430,450 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 58,392 total reads

 58,392 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,545 total reads

 137,545 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,990 total reads

 170,990 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,288 total reads

 206,288 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top