30,319 total views
Nagbabala ang Archdiocese of Manila Office of Communications sa publiko laban sa pekeng Facebook Account gamit ang pangalan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Ayon kay Fr. Roy Bellen ng Office of Commmunications isang FB account na Jose F. Cardinal Advicula ang ginagamit ng mapanamantalang indibidwal para sa pansariling interes.
“The Archdiocese of Manila Office of Communications would like to inform the public that the FB Account with the name Jose F. Cardinal Advicula is not an official acccount nor in anyway connected to the Archbishop of Manila. Please help us report this account that misrepresent the Cardinal and is sadly only being used to sell products for profit,” pahayag ni Fr. Bellen.
Apela nito sa mamamayan na maging mapagmatyag sa mga sinusundang social media account lalo’t maraming mapanamantalang indibidwal ang ginagamit ang pangalan ng simbahan, mga pari, obispo at iba pang lider nito para online scam.
Iginiit ng opisyal na suriing mabuti ang mga ibinabahagi online upang maiwasan ang fake news.
“We encourage everyone to be very careful in liking, sharing and following dubious accounts that misrepresent church leaders and organizations so as not to aid in the proliferation of false information,” ani ng opisyal.
Una nang nabiktima si Cardinal Advincula ng pekeng account nang maitalagang arsobispo ng Maynila noong 2021.
Bukod sa Cardinal ilang lider pa ng simbahan ang ginamit ang pangalan tulad nina Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Orlando Quevedo, Archbishop Jose Palma, Bishop Honesto Ongtioco at iba pa.
Palagiang paalala ng simbahan sa mamamayan na maingat sa pakikipag-ugnayan sa social media at ugaliing beripikahin sa tanggapan ng mga simbahan at diyosesis ang anumang matatanggap na solicitation o donation online.