4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,032 total reads

Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng Panginoon.

“Isa sa mga bagay na pagtutuunan ng pansin sa kasalukuyang panahon na makabuo ng ‘Culture of Vocations’ ang mga diyosesis sa bansa,” pahayag ni Fr. de Jesus sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na siya ring National Coordinator ng Directors of Vocations in the Philippines na ito rin ang hangarin ng kauna-unahang National Vocation Festival na isasagawa sa April 27, 2024 sa Rogationist College, Silang, Cavite na nakatuon sa temang ‘Sa tawag ng Mabuting Pastol, sama-samang magmimisyon! Tena’t Magkarakol!’

Naniniwala si Fr. de Jesus na sa pamamagitan ng National Vocation Festival ay mabuksan ang kamalayan ng kabataan at ng mamamamayan sa kahalagahan ng bokasyon sa kristiyanong pamayanan.

Nakatakdang magbahagi ng mga kuwento ang mga lingkod ng simbahan na maaring kapupulutan ng aral ng mga kabataang dadalo sa pagtitipon.

“Ang goal ay hindi sa pagbibilang kung ilan ang papasok sa mga seminaryo kundi sa paghahangad na maraming kabataang makakita ng magandang buhay mula sa kwento ng mga pari, madre, layko na tumugon sa panawagan ng Diyos,” ani Fr. de Jesus.

Ang National Vocation Festival ay isa sa tampok na gawain ng National Convention of Vocation Directors and Directresses sa ika – 50 anibersaryo ng Directors of Vocations in the Philippines.

Sa kasalukuyan ibinahagi ni Fr. de Jesus na mahigit sa 4, 000 kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis ang nagparehistro para sa pagtitipon sa April 27.

Hiling ng pari sa mamamayan ang patuloy na panalangin para sa bokasyon ng mga kabataan lalo na sa pagpapari, relihiyoso at pagmamadre gayundin ang ikatatagumpay sa Pistang Bokasyon.

Ayon sa Vatican’s Fides news agency, nasa 407-libo ang mga pari sa buong mundo na nakitaan ng pagbaba ng mahigit dalawang libo noong 2023.

Nangangahulugan itong may 3, 373 Catholics sa kada isang pari kung saan sa Pilipinas nasa 11, 000 ang bilang ng mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,072 total reads

 51,072 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,786 total reads

 147,786 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,055 total reads

 192,055 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,164 total reads

 215,164 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,043 total reads

 288,043 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top