12,358 total views
Handang-handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na pagdaraos ng 39th Balikatan Exercises kasama ang Amerika.
Magsisimula ang balikatan exercises sa April 22, 2024, na nakatuon sa tatlong component exercises na kinabibilangan ng control, field training at humanitarian and civic assistance.
Layunin ng mga pagsasanay na mahasa din ang kasanayan at kaalaman ng mga lalahok na sundalo sa cyber defense, humanitarian and disaster response gayundin ang pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
“Together, we speed up our march towards enhancing our military capabilities for maritime security alongside honing other competencies in order to effectively address the dynamic challenges across all domains,” mensahe ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na ipinadala sa Radio Veritas.
Nabatid na 16-libong sundalo mula sa Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Airforce at American Defense forces ang kasali sa Balikatan exercises 2024.
Idadaos sa AFP Camp Aguinaldo sa Quezon City ang opening at closing ceremony ng balikatan habang isasagawa ang exercises sa iba’t-ibang kampo ng A-F-P sa bansa.
“In tandem with military exercises, Balikatan 2024 will incorporate HCA projects aimed at benefiting local communities. Initiatives include the construction of school buildings in Ilocos Norte and Cagayan, as well as health care centers in La Union and Palawan. These endeavors underscore the commitment to fostering sustainable development and strengthening ties between military forces and civilian populations,” mensahe ng AFP.
Naunang ipinanalangin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagtatagumpay ng mga pagsasanay ng Pilipinas katuwang ang ibat-ibang bansa para sa kapakanan ng mga Pilipino.