Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

OCD, umapela ng tulong sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 11,571 total views

Hinimok ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga kabataan na paigtingin ang pakikiisa sa pagsusulong ng Sustanaible Development Goals ng pamahalaan.

Tinukoy ni Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno ang pagsali sa mga inisyatibo ng pamahalaan tulad ng ika-limang National Youth Eco Camp kung saan tatalakayin ang mga hakbang at pagtugon ng pamahalaan sa suliranin ng climate change at iba pang problemang banta sa kalikasan.

This year’s theme of Eco Camp will always be a relevant topic. As described by the United Nations, SDGs are an ‘urgent call for action,” mensahe ni Nepomuceno sa Radio Veritas.

Tiwala ang opisyal na mapapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng kalikasan at mapapatibay ang disaster risk reduction initiatives ng pamahalaan.

Sinabi ng OCD na sa pamamagitan nito ay mas marami ang magiging handa sa mga oras ng kalamidad at dadami ang mga mangangalaga sa kalikasan.

Meanwhile, OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV also extended his support and encouraged the young leaders to make use of their voices, talents, and potential, for these will allow them to contribute to their communities now and in the future,” bahagi pa ng mensahe ng OCD.

Sa datos ng Statista, aabot sa 18.1-bilyong piso ang pinsalang idinulot ng mga bagyong nanalasa sa Pilipinas noong 2023.

Sa bahagi ng simbahan, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Philippines at Caritas Manila sa ibat-ibang diocesan social action centers upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan naapektuhan ng kalamidad ang ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,869 total views

 15,869 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,829 total views

 29,829 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,981 total views

 46,981 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,206 total views

 97,206 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,126 total views

 113,126 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,585 total views

 30,585 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top