4,288 total views
Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa.
Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, katangi-tangi ang sakripisyo ng mga O-F-W para masuportahan ang naiwang pamilya sa Pilipinas.
Pinuri din ni Bishop Santos ang pagpupunyagi ng mga O-F-W para sa kabutihan at paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa kanilang ipinapadalang remittances.
“Congratulations and best wishes to our modern day heroes-our OFWs.This is your day. We acknowledge your sacrifices and services for the betterment of the lives and future of your families. We praise you all your selfless services for the good and economic prosperity of our country,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ng Obispo ang patuloy na pananalangin at pag-aalay ng misa sa mga OFW at migrante para sa kanilang kabutihan at kaligtasan habang naninirahan at naghahanap-buhay sa ibang bansa.
“Please assured of our prayers and holy Masses for your sound health, successes and safety in your works and travels, My prayers and pastoral blessings to you all,” ipinadalang mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas sa paggunita sa labor day.
Sa tala ng pamahalaan, noong 2023 ay umabot sa 33.5-billion US Dollars ang halaga ng OFW remittance rate na mas mataas kumpara sa 32.5-billion US Dollars noong taong-2022.
Inaasahan naman ng Department of Migrant Workers na tataas ngayong 2024 matapos maitala noong 2023 na mahigit sa 2.33-million ang bilang ng mga OFW sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na umabot lamang sa 2.15-milyon noong 2019 dahil sa COVID-19 pandemic.