10,300 total views
Iginawad sa Amazonian Project na ‘The Grace of Work’ ang pagkilala at pagpaparangal ng ‘Francesco of Assisi and Carlo Acutis International Prize’ ngayong taon.
Ayon sa Diyosesis ng Assisi, pinapalaganap ng proyekto ang pagpapakain sa mga bata ng masusutansyang pagkain.
Kasabay ito ng pagbibigay ng maayos na hanapbuhay sa mga indigenous people na naninirahan at nangangalaga sa Amazon.
“A great gesture that places a direction in the history of humanity: his deprivation of everything is not rejecting the economy, but re-establishing it. Francesco explains to us that we must reverse the meaning of money: hence also the meaning of our Award, which this year received dozens and dozens of projects. Ours, more than a recognition, is a school, a way of reflecting in an organized and participatory way, almost a laboratory, for a new way of doing economics, which must be an adequate management of the common home, otherwise it cannot be called such,” ayon sa mensahe ni Assisi Archbishop Domenico Sorrentino.
Tumanggap naman ang mga organizer ng The Grace of Work ng 40-thousand Euros bilang bahagi ng parangal.
Noong 2022 ay napanalunan ng grupo ng mga Persons With Disability sa Diyosesis ng Pasig ang ‘Francesco of Assisi and Carlo Acutis International Prize’.
Ang parangal ay iginagawad sa mga grupo ng mapipiling bansa na isinusulong ang sustainable development sa ekonomiya, pagkakapatiran at mabuting adhikain tungo sa sama-samang pag-unlad.