Apostolic Vicariate of Taytay Palawan at Diocese of Tarlac, nakiisa sa YSLEP telethon 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,150 total reads

Nakiisa ang Diocese of Tarlac at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa isinasagawang Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) telethon 2026 na may temang sa “Opening Doors, Transforming Lives” sa Radyo Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.

Nanawagan din si Apostolic Vicariate of Taytay Bishop Broderick Pabillo at Bishop Roberto Mallari sa mga Pilipino na suportahan ang YSLEP Telethon 2026 na layong makalikom ng sapat na pondong ipangtustos sa pag-aaral nang may limang libong YSLEP scholars sa kolehiyo.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalaga ang pakikiisa ng publiko sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay ng donasyon sa anumang makakayanang halaga upang matulungan ang mga kabataang nais makapag-aral ngunit nahaharap sa kawalan ng pagkakataon dulot ng kahirapan.

Sinabi ng Obispo na kasabay ng pagsisimula ng bagong school year ay ang patuloy din na paghahanap ng Caritas Manila ng mga kabataang maaaring matulungan sa kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“Alam po natin na mayroon pong maraming mga kabataan na deserving naman, ngunit hindi makapag-aral sa kawalan ng financial resources ang family kaya mayroon tayong YSLEP” paanyaya ni Bishop Pabillo.

Kinatigan ni Bishop Mallari ang kahalagahan ng paggamit ng Caritas Manila nang edukasyon bilang mabisang kasangkapan laban sa kahirapan dahil nabubuksan nito ang mga pagkakataon tungo sa tunay na pag-unlad.

Naniniwala si Bishop Mallari na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakapagtapos ng kurso sa kolehiyo ang mga mahihirap na estudyante para mapaunlad ang pamumuhay at makatulong sa komunidad gayundin sa kapwa.

Hinihikayat ng Obispo ang mga Pilipino na magsama-sama sa pagtutulungan upang labanan ang kahirapan sa bansa.

Ipinagdarasal din ni Bishop Mallari na pagpalain ng panginooon ang mga YSLEP scholar ng Caritas Manila.

“Nawa’y pagpalain ang ating mga scholars ng YSLEP Caritas Manila na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang kanilang edukasyon ay susi sa pag-angat ng kanilang buhay at sa pag-unlad ng ating bayan. Magsama-sama po tayo upang suportahan ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng telethon na ito,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Ang YSLEP ay pangunahing scholarship at values formation programs ng Caritas Manila na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,529 total reads

 9,529 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,492 total reads

 45,492 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,898 total reads

 101,898 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,137 total reads

 225,137 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top