Edukasyon, tugon ng Caritas Manila laban sa kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,077 total reads

Binigyang-diin ni Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-ahon ng mga kabataang mahihirap at pagbubukas ng mas maayos na kinabukasan.

Ito ang mensahe ni Fr. Pascual sa isinasagawang YSLEP Telethon 2026 ng Caritas Manila katuwang ang Radyo Veritas, na may temang “Opening Doors, Transforming Lives.”
Ayon kay Fr. Pascual, taun-taon ay mahigit isang libong iskolar ang nakapagtatapos sa kolehiyo sa tulong ng programa, na layuning putulin ang siklo ng kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon.

Nilinaw ng Pari na ang edukasyon ang pangunahing sandata laban sa kahirapan, kamangmangan, at kawalan ng oportunidad.

“Kung gusto po nating kalabanin ang kahirapan, kamangmangan at kawalan, edukasyon ang susi at iyan ang buod ng YSLEP (Youth Servant Leadership and Education Program) ng Caritas Manila,” ayon kay Fr. Pascual.

Tiniyak din ng Caritas Manila ang patuloy na pagtulong at pag-agapay sa mga pamilyang kapos sa pinansyal na kakayahan upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral.
Patuloy ang panawagan ng simbahan sa publiko na makiisa at suportahan ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon sa kabataang Pilipino.

“Charity begets charity.”

Ibinahagi ni Fr. Pascual na ang mahigit sa isang libong YSLEP scholars na nagtapos sa kolehiyo kada taon ay nagiging miyembro ng Caritas Manila Alumni Scholars Association (CAMASA)- na sila namang nagiging katuwang ng simbahan para sa pagtulong sa mga bagong scholar ng Caritas Manila.

Sa tala, umaabot na sa 15 libo ang aktibong miyembro ng CAMASA na taunan ding nakakalikom ng P3 milyong para sa YSLEP.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual, naglalaan ang YSLEP ng P35 hanggang P50 libo bawat scholar kada taon, para sa kanilang pag-aaral. Ilan din sa mga mag-aaral ay kinakailangang tumira sa mga boarding house dahil na rin sa layo ng kanilang lugar mula sa mga unibersidad.

Bukod sa pagbabalik ng tulong sa mga bagong scholar, nagsisilbi rin ang CAMASA sa pagtulong sa mga bagong nagsipagtapos na makahanap ng trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,489 total reads

 9,489 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,454 total reads

 45,454 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,860 total reads

 101,860 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,102 total reads

 225,102 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 23,401 total reads

 23,401 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 23,272 total reads

 23,272 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top