Cancer patients, hinimok na hingin ang pamamagitan ni San Ezekiel Moreno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,576 total views

Nagpapatuloy ang Camino de Padre Ezekiel kung saan binisita ang San Ezekiel Moreno Parish sa Diocese of Kalookan at dinala ang pinakamalaking first-class bone relic ni San Ezekiel Moreno, patron ng mga may kanser.

Ayon sa St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos, ito ay bahagi ng misyon na palalimin ang debosyon sa santo at magbigay ng espirituwal na suporta sa mga dumaranas ng karamdaman.
Naging makahulugan ang pagdalaw ng relikya noong June 7, Corpus Christi Sunday, sapagkat ang San Ezekiel Moreno Parish sa Caloocan City ay kinikilalang kauna-unahang parokya sa buong mundo na ipinangalan sa santo.

“The pilgrimage seeks to foster greater devotion to St. Ezekiel Moreno amid the rising incidence of cancer in the country,” ayon sa pahayag ng St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos.

Bahagi rin ito ng paghahanda ng mga mananampalataya para sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Ezekiel Moreno tuwing Agosto 19.

Pinangunahan ni Fr. Joseph Panaligan, OAR, ang pagdala ng reliquary sa Kalookan kasama ang mga kasapi ng Secular Augustinian Recollect Fraternity, at mga Recoletong seminarista.

Pormal na itinatag ang parokya noong November 1, 1992 sa pamamagitan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang pagkilala sa bagong hirang na santo na nagmisyon din sa Pilipinas.

Personal na dumalo si Cardinal Sin sa canonization ni San Ezekiel Moreno sa Dominican Republic noong October 11, 1992.

Patuloy namang hinihikayat ng mga Augustinian Recollect ang mga mananampalataya na hingin ang pamamagitan ng santo para sa mga may karamdaman sa kanser, sa kanilang mga pamilya, at sa mga tagapag-alaga.

“May St. Ezekiel Moreno continue to intercede for all who suffer, bringing hope, strength, and consolation to those battling cancer and to their loved ones,” ayon sa St. Ezekiel Moreno Novitiate-Recoletos.

Nananatiling nakalagak ang relikya sa St. Ezekiel Moreno Novitiate House sa Antipolo City at patuloy na inililibot sa mga diyosesis, dambana, at parokya sa bansa bilang bahagi ng pagpapalaganap ng debosyon kay San Ezekiel Moreno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,081 total views

 18,081 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,163 total views

 51,163 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,514 total views

 79,514 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,244 total views

 147,244 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,989 total views

 168,989 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top