Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kuryente at kalikasan

SHARE THE TRUTH

 56,913 total views

Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon na maaaring gamitin ng mga manloloko at masasamang-loob.)

Kung hindi man sa social media, usap-usapan sa mga umpukan ng mga magkakapitbahay ang natanggap nilang bill ng kuryente. Pataasan sila ng babayaran, sabay tanong kung saan kaya sila kukuha ng ipambabayad kapag dumating na si “Judith”—o ang due date. Nakalulula naman kasi ang bill sa kuryente ng marami sa atin nitong nakaraang buwan. Sa tindi kasi ng init, halos maghapon at magdamag na ang gamit ng aircon ng mga may aircon. Pinagsasabay-sabay na rin ang mga electric fan. Ayon sa Meralco, ang pangunahing distributor ng kuryente dito sa Metro Manila, ang mataas na presyo ng kuryente nitong nakaraang buwan ay dahil tumaas din ang transmission charge, generation charge, at iba pang buwis. 

Idinadaan ng ilan sa atin sa katatawanan ang mataas na presyo ng kuryente. Ang biruan nga noon ng mga may aircon, “aircon now, pulubi later.” Ito na nga ang nangyari, at baka magpatuloy pa ito dahil matindi pa rin ang init ng panahon. Asahan daw na hanggang Hunyo ang mataas na electric bill. 

Ang hindi natin lubusang nauunawaan, ang mataas na demand natin sa kuryente ay nangangahulugan ng lalong paglaki pa ng pagdepende natin sa fossil fuels. Kabilang sa fossil fuels ang coal, petrolyo, at gas—lahat ito, ginagamit para lumikha sa mga power plants ng kuryenteng dumadaloy sa mga kable hanggang sa makarating sa ating mga tahanan. Ang problema, may masamang epekto sa kalikasan ang usok mula sa mga power plants na gumagamit ng fossil fuels. Kapag sinusunog ang fossil fuels, naglalabas ang mga ito ng mga greenhouse gases. Ang greenhouse gases na ito ay napupunta sa himpapawid at pumipigil sa init ng daigdig na lumabas pabalik sa kalawakan. Ang resulta, nakukulob tayo sa init at iniiba nito ang ating klima. Ito ang tinatawag na climate change.

Sa Pilipinas, pinakamalaking pinagkukunan ng enerhiya o kuryente ang coal. Ang kuryenteng mula sa mga power plants na gumagamit ng fossil fuel na ito ay bumubuo sa halos 44% ng tinatawag na energy mix. Malayong-malayo ito sa kuryenteng nililikha gamit ang mga mas malinis na mapagkukunan ng kuryente (o renewable sources) gaya ng hydro o solar. Ang ambag ng hydro o enerhiyang galing sa tubig ay nasa 13.4% lamang, habang ang solar o enerhiyang mula sa init ng araw ay nasa 5.8% lamang. Nasa 1.5% naman ang mula sa wind energy. 

Sa uri ng pamumuhay na mayroon tayo ngayon—kung saan napakalaki ng pagdepende natin sa kuryente—maging masigasig sana ang gobyerno at iba pang nasa sektor ng enerhiya na bawasan ang paggamit ng mga fossil fuels. Kung magpapatuloy pa kasi ito, mas titindi ang pag-init ng ating planeta na magdadala naman ng mas mapanganib na panahon ng tag-init, gaya ng nararanasan natin ngayon. “Highly polluting fossil fuels need to be progressively replaced without delay,” panawagan nga ni Pope Francis sa ensiklikal niyang Laudato Si’. 

Mga Kapanalig, sa ngayon, ang pangunahing alalahanin natin marahil ay kung paano babayaran ang napakalaking bill natin sa kuryente. Pero pakaisipin din sana nating kapalit ng mataas na pagkonsumo natin ng kuryente ay ang pinsalang dulot sa ating kalikasan. Ang labis na paggamit ng fossil fuels ay, gaya nga ng ipinahihiwatig sa Mga Bilang 35:33, “[pagdungis sa] lupaing [ating] tinitirhan.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Makinig bago mag-react

 30,267 total views

 30,266 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 39,744 total views

 39,743 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 39,161 total views

 39,160 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 52,085 total views

 52,084 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »

Iligtas ang mga bata

 73,119 total views

 73,119 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 30,268 total views

 30,268 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 39,745 total views

 39,745 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 39,162 total views

 39,162 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 52,086 total views

 52,086 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 73,121 total views

 73,121 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 77,283 total views

 77,283 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 64,874 total views

 64,874 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 77,476 total views

 77,476 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 72,789 total views

 72,789 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 77,722 total views

 77,722 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 128,282 total views

 128,282 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 133,441 total views

 133,441 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 113,632 total views

 113,632 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 55,062 total views

 55,062 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 63,743 total views

 63,743 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top