13,063 total views
Isinusulong ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang nararapat na pamamahagi ng kayaman ng mundo upang matugunan ang kagutuman.
Ayon sa Obispo, hindi pa naabot ng buong mundo ang ‘overpopulation’ na itinuturong dahilan ng kagutuman at kahirapan sa lipunan.
Sinabi ni Bishop Ongtioco na ang hindi pagkakaroon ng wastong pamamaraan kung paano makakaabot sa pinakamahihirap ang ibat-ibang suplay ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang suliranin na dapat tugunan ng bawat bansa.
Iginiit ng Obispo na kung magkaroon lamang ng pagbabahaginan ng talento at kayamanan ay mawawala ang nararanasan kagutuman at kahirapan.
“The world is not overpopulated. There is lack of concern for others & recognition that we are all brothers and sisters who need to care for one another, If only there is sharing of resources and talents hunger will be eradicated. It is our indifference towards the sufferings of others that makes other miserable. Take care,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Naunang inihayag kaniyang Kabanalang Francisco na hindi overpopulation ang suliranin kung bakit nararanasan ng milyon-milyong katao ang kagatuman at kahirapan sa halip ay suliranin ng konsyumerismo.
Ipinaalala ng Santo Papa sa mga mananampalataya na ituro sa mga kabataan na iwaksi ang pagiging makasarili.