Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pontifical coronation ng imahe Nuestra Señora de Fatima de Marikina, biyaya sa simbahan

SHARE THE TRUTH

 5,205 total views

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na magandang biyaya mula sa Diyos ang pagkilala ng buong simbahan sa imahe ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina.

Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pontifical coronation na ginanap nitong May 12 sa Diocesan Shrine and Parish of St. Paul of the Cross sa Marikina City kung saan nakadambana ang imahe ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Ayon kay Bishop Santos, ito ay hindi lamang kagalakan sa mga nasasakupang komunidad kundi ito ay regalo sa buong simbahang katolika lalo na sa Pilipinas na tinaguriang Pueblo Amante de Maria.

“Ito po ay biyaya mula sa Diyos, isang dakila at napakagandang kaloob niya sa atin. Ito naman po ngayon ang ating regalo ng ating pandiyosesanong dambana sa Diyosesis ng Antipolo, sa lalawigan ng Rizal. Ito po ngayon ang ating maganda at natatanging alay sa Inang Simbahan ng Pilipinas, isang mabuti at mabiyayang handog sa mananampalatayang Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Tinuran din ng obispo ang pagkakataong kasabay ng canonical coronation ang pagdiriwang ng Mother’s Day kung saan pinararangalan ang Birheng Maria na katuwang ng sangkatauhan sa pananalangin kay Hesus.

Umaasa si Bishop Santos na mas lalong lumawak ang debosyon ng mananampalataya sa Mahal na Ina kasabay ng higit na paglalim ng pananampalataya sa Diyos.

Nang mailuklok ang obispo bilang pastol ng Diocese of Antipolo ay tiniyak nito ang pagpapalakas sa debosyon ng nasasakupang kawan at hangaring gawing pilgrim capital ng Pilipinas ang diyosesis lalo’t dito matatagpuan ang kauna-unahang international shrine ang ‘International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Catheral.

Ayon naman kay Severo Catura ang focal person sa gawain at nangangasiwa sa Basic Ecclesial Community ng parokya malaking tulong sa paglalakbay ng kristiyanong pamayanan ng parokya at ng buong lunsod ang tinanggap na pagkilala sa Mahal na Birhen ng Fatima na segunda patrona ng dambana.

“This event has many significant aspects in our faith journey, we’ve always been a marian parish hindi pa man kami mabuo bilang parokya some 55 years ago, it was already the Marian devotion that really in formed what we were doing. The significance of this is, aside from recognizing our full devotion to the Blessed Mother, it will definitely serve as inspiration for all parishioners, it will bring much joy to the devotees,” pahayag ni Catura sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Catura ang aktibong debosyon sa Mahal na Birhen sa kanilang lugar kung saan bukod sa First Saturday devotion mayroong 50 imahe at prayer groups ang bumibisita sa mga pamayanan bukod sa debosyon ng Divine Mercy at St. Paul of the Cross.

Batid nitong mas pinagbubuklod ng Mahal na Ina ang mga munting pamayanan upang higit na lumalim ang pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Bago ang pagdiriwang ng Banal na Misa at rito ng pagpuputong ng korona ay pinangunahan ni Bishop Santos ang pagbabasbas sa grotto ng Mahal na Birhen sa harapan ng simbahan.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga lokal na opisyal ng Marikina at ang daan-daang deboto at mananampalataya sa lugar upang saksihan ang makasaysayang canonical coronation.

Katuwang ni Bishop Santos sa pagputong ng korona si Fr. Vicentico Flores, Jr. ang kura paroko at rektor ng dambana sinaksihan ni Fr. Efren Villanueva na katuwang na pari ng parokya at mga bisitang pari lalo na ang paring Passionist na nagtatag sa parokya limang dekada ang nakalilipas.

Isinapubliko ng Diocese of Antipolo ang pag-apruba ng santo papa sa canonical coronation sa pamamagitan ng liham ng Dicastery for Divine Worship and the Discipline noong February 14.

Ito na ang ikaanim na imaheng ginawaran ng canonical coronation ng diyosesis kasama ang Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo; Nuestra Señora de los Desamparados ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Marikina; Nuestra Señora de Aranzazu ng Diocesan Shrine – Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa San Mateo; Nuestra Señora de la Lumen ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light sa Cainta, at ang; Nuestra Señora del Santísimo Rosario ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona Rizal.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 12,650 total views

 12,650 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 18,874 total views

 18,874 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 27,567 total views

 27,567 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 42,335 total views

 42,335 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 49,457 total views

 49,457 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Circular Letter
Norman Dequia

Special collection sa national catechetical month, isasagawa ng Archdiocese of Manila

 960 total views

 960 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na suportahan ang evangelization program ng simbahan lalo ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng National Catechetical Month. Sa sirkular na inilabas ng arkidiyosesis, magkaroon ng special collection ang lahat ng parokya sa September 15 para sa mga programa ng Episcopal Commission on Evangelization ang Catechesis ng Catholic

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Botante, huhubugin ng PPCRV na maging champion ng pagbabago

 1,026 total views

 1,026 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang patuloy na paghuhubog sa kamalayan ng mamamayan sa pagpili ng mga lider ng bayan. Ayon kay PPCRV Chairperson Evelyn Singson, mahalagang tutukan ang paghubog sa pagkatao ng mga Pilipino upang maging responsableng mamamayan. Ito ang mensahe ng opisyal sa paglunsad ng church watchdog

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Please pray for me, I need your prayers.

 3,651 total views

 3,651 total views Ito ang apela ni Bishop Rafael Cruz makaraang matanggap ang episcopal ordination nitong September 7, 2024 sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City, Pangasinan. Batid ni Bishop Cruz ang kaakibat na malaking hamon sa pagsisimula ng kanyang gawaing pagpapastol sa Diocese of Baguio kaya’t mahalaga ang mga panalangin para sa ikatatagumpay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ng Obispo sa “deep fake” product endorsement online

 4,821 total views

 4,821 total views Binalaan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko hinggil sa kumakalat na product endorsement online gamit ang kanyang pangalan. Hiniling ng obispo sa mamamayan na magkaisang i-report ang mga naturang social media account na nagtataglay ng mga deep fake created video materials upang makaiwas sa scam ang mamamayan. “Please be aware that I

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapatiran, panawagan ni Pope Francis sa Indonesians

 4,875 total views

 4,875 total views Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan ng Indonesia na patuloy itaguyod ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mamamayan. Tinuran ng santo papa ang kristiyanong arkitekto na nagdisenyo sa Istiqlal Mosque na tanda ng pagiging lugar ng pag-uusap ang mga bahay dalanginan. Binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging ‘diverse’ng Indonesia na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lingkod ng simbahan sa Indonesia, hinimok ng Santo Papa na paigtingin ang paglingap sa kapwa

 5,894 total views

 5,894 total views Hinikayat ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang misyong paglingap sa kawan maging ng mga hindi binyagan. Ito ang pahayag ng santo papa sa pakipagpulong sa mga pari, obispo, madre at mga relihiyoso sa rehiyon sa nagpapatuloy na Apostolic Journey sa Indonesia. Binigyang diin ni Pope Francis

Read More »
Cultural
Norman Dequia

I am very grateful to all the catechists: they are good.

 5,970 total views

 5,970 total views I am very grateful to all the catechists: they are good. Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang pagkilala sa mga katekista na katuwang ng simbahan sa pagmimisyon. Sa pakikipagpulong ni Pope Francis sa mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na ginanap sa Cathedral of Our Lady of the Assumption binigyang pugay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na ipanalangin ang proseso para sa pagkilala ng simbahan bilang banal kay Servant of God Ka Luring

 6,672 total views

 6,672 total views Humiling ng panalangin ang postulator ng Cause of Beatification and Canonization of Servant of God Laureana ‘Ka Luring’ Franco kasabay ng pagsisimula ng diocesan inquiry. Sa panayam ng Radio Veritas kay Dr. Erickson Javier, Doctor of Ministry nilinaw nitong walang takdang panahon ang sinusunod sa proseso ng pagiging banal ni Ka Luring sapagkat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tulungan ang mga apektado ng bagyong Enteng, panawagan ni Bishop Santos

 6,859 total views

 6,859 total views Ipinapanalangin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang katatagan ng mamamayan sa gitna ng kinakaharap na hamon bunsod ng kalamidad. Dalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang parish priest ng international shrine ang katatagan ng mga biktima ng malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat lalo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith, fraternity at compassion, pasisiglahin sa Apostolic journey ng Santo Papa sa Indonesia

 7,538 total views

 7,538 total views Kasalukuyang nasa Indonesia ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagsisimula ng kanyang ika – 45 Apostolic Journey. Dumating ang santo papa sa Jakarta Soekarno-Hatta International Airport lulan ng papal flight ng ITA-Airways kasama ang ilang mamamahayag. Kabilang sa delegasyon si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Antique, nagluluksa sa pagpanaw ng Obispo

 7,579 total views

 7,579 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of San Jose de Antique para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Emeritus Raul Martirez. Sa pabatid ni Antique Bishop Marvyn Maceda pumanaw si Bishop Martirez nitong September 2 pasado alas onse ng gabi sa edad na 86 na taong gulang. Si Bishop Martirez ay naordinahang pari noong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pope Francis, muling umapela sa ‘world leaders’ na tapusin na ang umiiral na karahasan

 8,130 total views

 8,130 total views Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders kabilang na ang mga magkatunggaling mga bansa na wakasan ang anumang karahasang nagdudulot ng kahirapan sa mundo. Ayon sa santo papa dapat patuloy na isulong ang pakikipag-ugnayan ng bawat bansa para sa interes ng nakararami gayundin ang pagpapalaya sa mga dinukot na indibidwal lalo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging product endorser, itinanggi ni Cardinal Tagle

 12,875 total views

 12,875 total views Yung mga endorsement na iyon ay fake. Ito ang babala sa publiko ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle kaugnay sa laganap na advertisement online gamit ang pagkakilanlan ng cardinal. Binigyang diin ng opisyal na kailanman ay hindi ito nag-iendorso ng mga produkto kaya’t dapat na mag-ingat ang mamamayan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Empowerment sa mga layko, isasakatuparan ni Bishop Gaa

 13,021 total views

 13,021 total views Pinasalamatan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga pari at layko ng diyosesis sa patuloy na pakikilakbay sa kanyang pagpapastol sa nakalipas na kalahating dekada. Ito ang mensahe ng obispo sa kanyang pastoral visit on the air sa programang Barangay Simbayanan sa Radio Veritas kung saan tinalakay ang kanyang paninilbihan sa diyosesis sa

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Bohol Bishops na aktibong makilahok sa 2025 midterm elections

 14,288 total views

 14,288 total views Pinaalalahanan ng mga obispo ng Bohol ang nasasakupang mamamayan sa pakikilahok at pakikiisa sa pagsusulong ng ikabubuti ng lipunan lalo na sa pagpili ng mga lider sa nalalapit na 2025 midterm elections. Sa liham pastoral nina Tagbilaran Bishop Alberto Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, iginiit na ang pagboto ay hindi lamang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top