Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,525 total views

Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM).

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan.

To hope is to believe in something good. But to believe and to have hope is to make something or someone the foundation of hope. To us, little that we are, our very important source of hope is God,” pahayag ni Archbishop Palma sa isinagawang press conference kaugnay sa AACOM.

Isasagawa ang AACOM sa October 14 hanggang 19, 2024 sa IC3 Pavilion sa Cebu City kung saan tampok ang mga panayam na ibabahagi ng mga piling speakers sa bansa at ibayong dagat.

Ibinahagi ni 5th AACOM secretary-general Fr. Mhar Vincent Balili na ilan sa mga magbibigay ng panayam sa anim na araw na pagtitipon sa temang ‘Divine Mercy: Pilgrimage of Hope in Asia’ sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Fr. Chris Alar, MIC, Fr. Patrice Chocholski, Fr. Kazimierz Chwalek, at maging si dating Supreme Court Justice Hilario Davide.

Ikinalugod ni Archbishop Palma ang pagpili sa Cebu na maging tagapangasiwa sa malalaking gawain lalo’t ito ang tinaguriang ‘Cradle of Christianity in Southeast Asia’ kung saan unang ibinahagi ang pananampalatayang kristiyano noong 1521 nang dumating ang mga dayuhang misyonero.

Sinabi ng arsobispo na ito ay isang paraan ng patuloy na paglilingkod sa kristiyanong pamayanan at pagsasabuhay sa tema ng 500 Years of Christianity na ‘Gifted to Give’.

Kabilang sa mga tampok na gawain sa ikalimang AACOM ang opening mass sa alas kuwatro ng hapon ng October 14 na bukas sa publiko sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang foot procession sa alas tres ng madaling araw ng October 19 mula sa harapan ng Cebu Provincial Capitol na susundan ng closing mass sa alas sais ng umaga sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

“AACOM is a gathering that aims to deepen the faithful’s understanding of the profound truth of God’s mercy and to promote the theme of mercy in the context of their region,” ani ng arkidiyosesis.

Isinasagawa ang AACOM tuwing ikatlong taon kung saan taong 2009 nang una itong isinagawa sa Manila sa temang Mercy, the Face of the Son of Man in Asia, 2012 sa Thailand sa temang Mercy, Compassion, a Way of Life Among the People of Asia, 2015 sa Medan Indonesia sa temang Jesus Christ the Mercy of God: The Way of Reconciliation in Asia, at huli itong ginanap noong 2018 sa Penang, Malaysia, sa temang ‘Experiencing Mercy through the Joy of the Gospel in Asia.’

Bunsod ng COVID-19 pandemic naantala ang ikalimang AACOM na unang itinakda noong 2021 kasabay ng pagdiriwang sa ika – 500 ng kristiyanismo ng Pilipinas.

Sa mga nagnanais dumalo sa 5th AACOM makipag-ugnayan lamang kina Rev. Fr. Andrei Ventanilla: +639438494111, Kathrina Buletin: +639957662168, Jinnie Pahuriray: +639562718128 para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 40,274 total views

 40,274 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 68,279 total views

 68,279 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 86,079 total views

 86,079 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 84,339 total views

 84,339 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 193,764 total views

 193,764 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 11,130 total views

 11,130 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top