Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,242 total reads

Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan.

Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin ang pananalangin at pagdulog ng pamamagitan ng Mahal na Birhen Maria para makamit ng bansa ang hinahangad na pagkakaisa at kapayapaan.

“As a Pueblo Amante de Maria, let us unite as a community to pray and seek the intercession of Our Lady for peace in the West Philippine Sea and the protection of the entire Philippines,” bahagi ng pahayag ng parokya.

Isasagawa ang Marian Prayer Voyage sa July 16, 2024 na sisimulan ng banal na misa sa alas sais ng umaga sa Sto. Niño Chapel Legaspi Compound, Brgy. Cato, Infanta Pangasinan.

Ito ay pangungunahan ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kasama si Alaminos Bishop Napoleon Sipalay Jr. at mga pari ng lalawigan.

Susundan ito ng fluvial rosary parade sa Dasol Bay kung saan inaasahan ang pagdalo ng maraming mananampalataya mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ng Archdiocese of Lingayen Dagupan, Diocese of Alaminos at ng Diocese of Urdaneta.

Katuwang ng Social Action Ministry sa paglulunsad ng gawain ang Cato Pastoral Council, Cato Barangay Council, Saint John the Evangelist Parish- Infanta, Philippine Coast Guard, Infanta Maritime Law Enforcement Team, Cato Infanta Fisherfolk Association Inc. at Mdm. Melanie Martinez ang maybahay ni Infanta Mayor Marvin Martinez.

Unang inilunsad ni Archbishop Villegas ang 50-day rosary campaign para sa West Philippine Sea na nagsimula noong June 27.

Inaasahang maglathala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng Oratio Imperata for Peace na dadasalin mula July 25 sa kapistahan ni Apostol Santiago hanggang January 1, 2025 sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Peace.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 46,453 total reads

 46,453 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,246 total reads

 96,246 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,117 total reads

 144,117 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,066 total reads

 248,066 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 331,808 total reads

 331,808 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top