Kinatawan ng Continental Youth Leaders Conference, dumating na sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,600 total reads

Kasalukuyan nang nasa Cebu City ang mga kinatawan ng Catholic Charismatic Renewal International Service (CHARIS) Asia-Oceania para sa ikalawang Continental Coordination Team Meeting at kauna-unahang Continental Youth Leaders Conference.

Sa pangunguna ni CHARIS Philippines National Coordinator Fe Barino layunin ng pagtitipon na mapalalim ang ugnayan at pagtutulungan para mapabuti ang pamamahala at mapatatag ang CHARIS network habang itinataguyod ang diwa ng pananampalataya at kapatiran.

Sa mensahe ni Cebu Archbishop Jose Palma sa pagbukas ng pagtitipon nitong July 24 muling binigyang diin ng arsobispo ang mensahe ni Pope Francis sa kahalagahan ng sama-samang paglalakbay tungo sa iisang adhikain sa landas ni Hesus.

Let us believe that if we are open to the baptism of the Spirit, then many good things can happen. Let us believe that if we join minds and hearts in prayer, then despite many trials, we will overcome them. Let us believe that because much of our longings are also the longings of many other people, that reason is enough to give our best to believing and hoping that despite what happened, tomorrow will be better than today,” mensahe ni Archbishop Palma.

Kabilang sa mga bansang dumalo sa pagtitipon ang Australia, India, New Zealand, South Korea, Taiwan (ROC), Japan, Malaysia, Indonesia, Singapore, Qatar, Saudi Arabia, at Pilipinas.

Magtatapos ang ikalawang Continental Coordination Team Meeting sa July 26 habang ang Continental Youth Leaders Conference naman ay magtatapos sa July 28.

Ito ay kasabay din ng isasagawang kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa IEC Convention Center sa Cebu City kung saan inaasahan ang humigit kumulang dalawang libong delegado mula sa iba’t ibang charismatic groups.

Ang CHARIS Asia-Oceania ay bahagi ng CHARIS International na itinatag ni Pope Francis sa ilalim ng pangangasiwa ng Dicastery for the Laity, Family, and Life habang CHARIS Philippines naman ang naglilingkod para sa lahat ng Charismatic Renewal sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,187 total reads

 212,187 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 246,860 total reads

 246,860 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 262,760 total reads

 262,760 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,250 total reads

 299,250 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,248 total reads

 305,248 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top