Manatiling tagapagtanggol ng mga inaapi, sugatan at nangangailangan, hamon sa mga religious superiors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,403 total reads

Nanawagan si Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, sa mga religious superiors na gawing konkretong misyon ang pagiging tagapagsulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pananatili sa piling ng mga sugatan, inaapi at nangangailangan.

Sa kanyang closing homily sa Second National Convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City, sinabi ng chairperson ng kapulungan na kailangang manatiling nakaugat kay Kristo ang mga consecrated persons habang tumutugon sa mga sugat ng lipunan at ng sangnilikha.

Iginiit ni Fr. Redoblado na hindi maaaring ihiwalay ang misyon ng mga relihiyoso sa kalagayan ng mga taong nakararanas ng kahirapan, karahasan, displacement, diskriminasyon at iba pang anyo ng pagdurusa.

“At the heart is Christ. And wherever Christ is hungry, wounded, displaced, rejected, silenced, or suffering in creation, there the consecrated person must be found,” ayon kay Fr. Redoblado.

Binigyang-diin din ng pari na ang pagiging propeta ay nagsisimula sa malalim na ugnayan sa Diyos, hindi sa dami ng mga gawain o programa.

“We can become so busy with the work of God that we slowly forget the God for whom we are working. But prophecy does not begin with activity. Prophecy begins with intimacy with God,” aniya.

Ayon kay Fr. Redoblado, mahalaga ring matutong makinig ang mga religious leaders sa Diyos, sa isa’t isa, sa mga mahihirap at sa daing ng kalikasan bago magsalita bilang mga propeta ng kapayapaan.

Hinamon din niya ang mga consecrated persons na huwag manatiling tahimik sa harap ng mga suliraning panlipunan, kabilang na ang malawakang korapsyon, paglaganap ng disinformation at iba pa.

“To remain with the wounded means eventually to stand on the side of the poor—for truth over disinformation, justice over corruption, dignity over exploitation, dialogue over polarization, safeguarding over abuse, and solidarity over indifference,” dagdag ni Fr. Redoblado.

Samantala, iginiit ni Fr. Redoblado na bahagi rin ng pagiging propeta ng kapayapaan ang pangangalaga sa kalikasan, dahil magkaugnay ang daing ng mga mahihirap at ng sangnilikha.

“The cry of the poor and the cry of the Earth are one cry. When forests, rivers, and mountains are destroyed, the poor and Indigenous Peoples often suffer first,” giit ng pari.

Hinimok niya ang mga kalahok na huwag hayaang matapos kasabay ng convention ang hamon na kanilang narinig at naranasan.

Apela nitong isabuhay ang apat na hakbang ng convention—Mulat, Dama, Tindig at Paghayo—bilang konkretong tugon sa isang mundong sugatan.

Dinaluhan ng 233 religious superiors mula sa 159 na kongregasyon ang limang araw na CMSP National Convention mula Sept.1 hanggang 5 sa Zamboanga City na nakatuon sa temang “Consecrated Men and Women: Prophetic Witnesses of Peace in a Wounded World.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,460 total reads

 50,460 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,214 total reads

 147,214 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,483 total reads

 191,483 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,592 total reads

 214,592 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,511 total reads

 287,511 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top