CMSP, hindi mananahimik sa usaping panlipunan na nakakaapekto sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 63,907 total reads

Hindi mananatiling tahimik ang mga religious at consecrated persons sa harap ng korapsyon, political dynasties, maling paggamit ng pondo ng bayan at iba pang suliraning panlipunan at kawalang-katarungan.

Ito ang malinaw na paninindigan ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa pagtatapos ng kanilang limang araw na national convention sa Zamboanga City mula Setyembre 1 hanggang 5.

Sa pahayag ng CMSP, sinabi ng 233 religious women and men mula sa 159 religious congregations na ang kanilang pagiging prophetic witnesses ay nangangahulugan ng konkretong paninindigan para sa katotohanan, katarungan at pananagutan.

“We choose truth over disinformation, justice over corruption, accountability over political self-interest and entrenched dynasties, dignity over exploitation, dialogue over polarization, safeguarding over abuse, solidarity over indifference, and right relationship with creation over destructive development.”

Kabilang sa tinukoy ng CMSP na mga sugat ng bansa ang korapsyon at political dynasties, misuse of public funds, kabilang ang mga alegasyon ng korapsyon sa flood-control projects, disinformation, polarization at failures of accountability.

Tiniyak ng mga religious superior na palalakasin ang kanilang kolektibong adbokasiya at hayagang lalaban sa mga istrukturang nagdudulot ng pang-aabuso at kawalang-katarungan.

“Stand courageously for truth, justice, human rights, and human dignity…; resist corruption, political dynasties, disinformation, violence, abuse of power, misuse of public funds, and oppressive structures.”

Ito rin ay nakabatay sa 12 kongkretong commitment na pinagtibay ng convention, kabilang ang pagpapalakas sa Justice, Peace and Integrity of Creation Commission o JPICC, pagsusulong ng transparency at financial accountability, safeguarding, pakikiisa sa mahihirap at mahihinang sektor ng pamayanan, at mariing pagtutol sa pagmimina at iba pang gawaing nakasisira sa kalikasan.

Binigyang-diin din ng CMSP na ang kanilang paninindigan ay bahagi ng pagiging tunay na saksi ng Ebanghelyo.

“We leave Zamboanga convinced that the future of consecrated life will not be secured simply by preserving our institutions, but by the credibility of our Gospel witness.”

Nanindigan ang mga religious superiors na ang kapayapaan ay hindi maaaring ihiwalay sa katotohanan at katarungan.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, muling pinagtibay at isinabuhay ng mga religious at consecrated persons ang kanilang apat na hakbang na MULAT, DAMA, TINDIG, at PAGHAYO, mula sa pagkilala sa mga sugat ng lipunan, pakikiisa sa mga maralita at nahihirapan, matapang na paninindigan, hanggang sa konkretong pagkilos bilang isang Simbahang naglalakbay kasama ng mga mananampalataya.

Hamon ng CMSP sa bawat religious at consecrated na tiyaking naisasabuhay ang misyon hindi lamang sa loob ng mga institusyon, kundi higit sa lahat, sa kanilang paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,159 total reads

 50,159 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,935 total reads

 146,935 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,204 total reads

 191,204 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,313 total reads

 214,313 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,245 total reads

 287,245 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top