Hilingin ang patnubay ng panginoon, apela ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,707 total reads

Hiniling ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mamamayan na sundin ang mga inaatas ng kinauukulang ahensya kaugnay sa nagpapatuloy na epekto ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon sa obispo mahalaga ang pagsunod upang maiwasan ang anumang pinsala na maaring idulot ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Luzon lalo na sa Metro Manila.

“Sa ating pag-iingat nararapat na tayo ay sumunod sa nakatataas higit na sa mga paalala at kautusan ng ating pamahalaan para tayo ay maging ligtas,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas. Dalangin ng obispo ang paggabay ng Panginoon para sa kaligtasan ng bawat isa sa mga sakunang kinakaharap.

Ayon kay Bishop Santos bukod tanging mga panalangin sa Diyos ang makapipigil sa mga kalamidad tulad ng mga pagbahang naranasan sa malaking bahagi ng Metro Manila.

“In moments of these natural calamities-excessive rains and floods-let us turn to God and cast our eyes afresh on Him. God has dominions over everything. He has authority, command, and control over all things created. Therefore, let us respond by putting our faith in God alone,” ani Bishop Santos.

Dalangin pa ni Bishop Santos ang habag at awa ng Panginoon para tuluyang humupa ang malawakang pag-ulan na nakapipinsala na sa mamamayan.

“Let us pray unceasingly and full of hope. Let us humbly beg our almighty God in His mercy and power to pacify the rain, drain the flood waters, and grant strength to us, His beloved people affected by this monsoon rains and flooding, make us safe and recover from this hardships,” dagdag ng obispo.

Inirekomenda na ng Department of Interior and Local Government o DILG kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim na ang buong Metro Manila sa state of calamity upang magamit ng mga lokal na pamahalaan ang karagdagang pondo para sa calamity response at maipatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin. Una nang naglaan ang pamahalaan ng 2.88-billion pesos na halaga ng tulong para sa mga maapektuhan ng Bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Samantala binuksan na rin ang mga simbahan sa mga diyosesis sa Metro Manila para lingapin ang mga indibidwal na nangangailangan ng kanlungan dahil sa mga pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,214 total reads

 214,214 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,887 total reads

 248,887 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,787 total reads

 264,787 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,277 total reads

 301,277 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,163 total reads

 307,162 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top