Matagumpay na Paris Olympics, ipinagdarasal ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,307 total views

Ipananalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco na maging matagumpay ang Paris Olympic Games at Paralympic Games na magsisimula sa susunod na linggo.

Sa mensahe ng santo papa binigyang diin nitong ang nasabing palaro ay naging daan upang pagbuklurin ang mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at tradisyong kinagisnan.

“Sport also has a great social force, capable of peacefully uniting people of different cultures,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Tinuran ni Pope Francis ang nakagawiang sinaunang tradisyon na ang olympics ay pagkakataong magpahinga ang mga magkakatungaling bansa at humanap ng mga hakbang para sa pagsusulong pangkabuuang kapayapaan sa lipunan.

Umaasa ang punong pastol ng mahigit isang bilyong katoliko sa mundo na magsisilbing huwaran ang mga atletang kabataan sa pagkakamit ng kapayapaan lalo na sa mga lugar na nakararanas ng sigalot at digmaan dahil sa pagkakaiba at kapangyarihan.

“I hope that this event can be a sign of the inclusive world that we want to build and that the athletes, with their sporting testimony, are messengers of peace and valid models for young people,” ani Pope Francis.

Nakatakda ang Olympic Games 2024 sa July 26 hanggang August 11, 2024 sa Paris France.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang Olympic at Paralympic Games noong 1896 na may 14 lamang na bansa sa buong mundo ang lumahok.

Mayroon namang 22 Pilipinong atleta ang lalahok sa 2024 Paris Olympics kasabay ng ika – 100 taong pakikilahok ng Pilipinas sa pandaigdigang paligsahan.

Kabilang na rito sina EJ Obiena, John Tolentino, Lauren Hoffman, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar, Emma Malabuyo, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Aira Villegas, Carlo Paalam, Hergie Bacyadan, John Ceniza, Elreen Ando, Vanessa Sarno, Sam Catantan, Joanie Delgaco, Bianca Pagdanganan, Dottie Ardina, Kiyomi Watanabe, Kayla Sanchez, at Jarod Hatch.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 55,078 total views

 55,078 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,947 total views

 50,947 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 87,149 total views

 87,149 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,607 total views

 95,607 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 120,327 total views

 120,327 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top