Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,721 total reads

Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama.

Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus, binigyang diin ni Cebu Vicar General Msgr. Rogelio Fuentes na ang pagsasama at pagsasakripisyo ng mga mag-asawa ay magdudulot ng kabanalan.

“Nalilimutan ng mag-asawa na ang kanilang pagsasama ay magdadala sa kanila sa kabanalan… Ang kanilang katapatan ay magdudulot ng kaligayahan,” pahayag ni Msgr. Fuentes.

Ipinaliwanag ng pari na kasabay ng pagtatag ng Diyos sa sakramento ng pag-iisang dibdib ay binigyang diin ang pagsalungat ng isinusulong na Divorce Bill gayundin sa mga mambabatas na sumusuporta nito.

Kasabay ng pagdiriwang ay muling sinariwa ng mga delegadong mag-asawa ang kanilang pangako ng kasal at ang katapatan sa sakramento ng pag-iisang dibdib.

Inilunsad din ng grupo ang signature campaign laban sa Divorce Bill at ang talakayang nakatuon sa Cebu Primer on Proclaiming the Indissolubility and Inviolability of Marriage and on Voicing Opposition to the Bill.

Patuloy ang paninindigan ng simbahan laban sa isinusulong na diborsyo dahil ito ay pagsira lamang sa pamilya na itinuturing na munting pamayanan at simbahan ng lipunan.

Unang sinabi ni Fr. Jerome Secillano ang executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs na hindi na kailangang ipasa ang diborsyo kundi muling suriin ang mga probisyong isinasaad ng kasalukuyang Family Code lalo na sa usapin ng pagsasama ng mga mag-asawa.

Isinagawa ng CFL-Cebu ang pagdiriwang ng Couple’s Day sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Cebu City kung saan kasama ni Msgr. Fuentes sa pagdiriwang si CFL Spiritual Director Eligio Suico at mga bisitang pari.(norman)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 5,250 total reads

 5,250 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 29,609 total reads

 29,609 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 66,110 total reads

 66,110 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 286,732 total reads

 286,732 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 321,091 total reads

 321,091 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top