8,756 total views
Natuklasan sa mga pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) ang pagtaas ng bilang ng global workforce na lubhang naapektuhan ng climate change o matinding init sa mga lugar ng paggawa.
Ayon sa mga pag-aaral ng ILO, sa buong mundo taon-taon ay umaabot sa 2.4-bilyong manggagawa mula sa 3.4-bilyong global workforce ang nakakaranas ng init kung saan naitala ang 22.87-milyon ang occupational injuries habang mahigit sa 20-libo ang namamatay.
Mula sa 22.87-milyong occupational injuries, 2.09-million naman ang tuluyang nagbago ang buhay sanhi ng mga komplikasyon sa epekto ng labis na init at kung saan 26.2-milyon naman ang apektado ng chronic kidney disease sanhi ng workplace heat stress.
“It is essential that we heed these warnings. Occupational safety and health considerations must be become part of our climate change responses – both policies and actions. Working in safe and healthy environments is recognized as one of the ILO’s fundamental principles and rights at work. We must deliver on that commitment in relation to climate change, just as in every other aspect of work,” mensaheng ipinadala ng ILO sa Radio Veritas.
Kaugnay nito, iminungkahi ng ILO sa pamahalaan, mga mambabatas at ang mga employer ang paglikha ng mga batas na makakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho kasabay ng pagkakaroon ng energy efficient measures at mga hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan, mabawasan ang polusyon at epekto ng climate change.
“It’s clear that climate change is already creating significant additional health hazards for workers,” mensahe ng ILO.
Unang nananawagan ang Church People Workers Solidarity sa pamahalaan at employers na magkaroon ng mga polisiyang tutugon upang maibsan ang epekto ng init at el nino phenomenon sa mamamayang Pilipino ngayong summer season.