Mananampalataya, hinimok na tuluran ang payak na pamumuhay ni San Juan Bautista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,504 total reads

Hinimok ng pastol ng simbahan na tuluran si San Juan Bautista sa payak na pamumuhay at malalim na pananampalataya sa panginoon.
Ito ang paanyaya ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang ini-alay sa Kapistahan ni St.John the Baptist sa San Juan City.

Inihayag ni Cardinal Advincula na mahalagang tularan ang pagsasabuhay ng santo sa katangiang pagtugon, pagpapakumbaba at pagiging tahimik na paglilingkod sa panginoon at pamayanan.

“Sa katahimikan, hinubog si Juan, doon siya naging matatag, doon siya naging handa kaya nga ang tunay na pag-asa ay hindi palaging maingay o dramatiko, minsan ito ay lumalago sa likod ng altar, sa loob ng pamilya, sa mga tahimik na sakripisyo ng mga ina, ama, manggagawa, estudyante, OFW at sa malalim na pananampalataya ng mga deboto ng ating Patron na si San Juan Bautista. Mga kapatid ganito tayo tinatawag ng Diyos, lumago tayo sa pananampalataya kahit walang gantimpala, maglingkod tayo kahit walang pumalakpak, gawin natin ang tama kahit walang nakatingin, ang tunay na pag-asa ay hindi laging malakas ang dating, madalas ito ay tahimik, ngunit totoo,”bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Sinabi naman ni Father Mike Kalaw – Rector at Parish Priest ng dambana, ang pagdedebosyon kay San Juan Bautista ay pagbibigay pag-asa at inspirasyon sa kapwa at lipunan.

Ipinagdarasal ng Pari ang pagkakaroon ng mas malalim na pagdedebosyon sa Santo na ini-aalay ang sarili sa panginoon, paglilingkod sa kapwa at isinasabuhay ang payak na pamumuhay.

“Ang ating parokya, ang ating komunidad ay tinayo na bilang isang dambana noong nakaraang taon, ibig sabihin mas maraming misyon na kailangan tayong gampanan lalung-lalu na yung misyong pastoral tulad ng pag-aasikaso sa mga mahihirap, sa mga nagugutom, sa mga nangangailagan at ito’y akmang-akma sa buhay ng ating Mahal na Patron San Juan Bautista, sa patuloy na pagtatayo at pagdadagdag at pagsaayos nitong napakatanda ng simbahan, marami tayong mas matutulungan sa pamamagitan noong ating tinatawag na Development Structure,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Kalaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,150 total reads

 49,150 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,845 total reads

 128,845 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,292 total reads

 162,292 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,590 total reads

 197,590 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,197 total reads

 422,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top