20th Congress of the Philippines, hinimok na tuluyang isantabi ang death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,990 total reads

Muling umaapela ang Coalition Against Death Penalty (CADP) sa mga mambabatas ng 20th Congress of the Philippines na tuluyang isantabi ang mga hakbang upang ibalik ang death penalty o parusang kamatayan sa bansa.

Ginawa ni running Priest Father Robert Reyes ang panawagan sa paggunita sa ika-19 taong anibersaryo ng Republic Act 9346 o Death Penalty Abolition Law.

Hinimok ng pari ang mga mambabatas na pagtuunan ng pansin ang pagpapahalaga sa buhay, pagsugpo sa kahirapan at pantay na katarungan para sa bawat Pilipino.

Nanawagan din ang pari sa mga mananampalataya na magkaroon ng “perpetual vigilance” sa ginagawang shortcut ng mga mambabatas.
“Perpetual Vigilance – kasi eto na naman, yung Quadcom, nagpahiwatig na naman sila na kailangan ibalik ang death penalty. Para bang ‘never dying recurring issue’ na baka ibalik, kasi shortcut , they like shortcuts rather than spend on prevention, kasi bakit may crime, dahil number one, mahirap ang tao, number two, yung justice system does not really punish the guilty, it punishes people who have committed petty crimes, people who are ‘innocent’ pero may nakalaban na makapangyarihan, people see that justice does not work here, that is one factor that encourages criminality, pero yung mas maganda meron programa para ‘people don’t fall into crime,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas Fr.Reyes.

Ipinagdasal din ni Father Reyes na magkaroon ng mas maayos na rehabilitation system ang mga Pilipinong mahuhuling sa droga at mga nagkasala sa batas.

“There are very essential issues like; correcting our penal systems, ang dami, punongpuno ang mga preso natin, 80% drug related, buti inabolish yung death penalty 19 years ago, pero walang kasawa-sawa – mayroon pa ring mga senador at kongresista na gustong gusto itong ‘shortcut,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Reyes.
Taong 2006 ng lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act No.9346 o ang Death Penalty Abolition Law.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,243 total reads

 20,243 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,853 total reads

 57,853 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,064 total reads

 76,064 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,392 total reads

 160,392 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,808 total reads

 196,808 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,018 total reads

 20,018 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top