Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

54 na Obispo at Arsobispo sa buong mundo, ginawaran ng Pallium ni Pope Leo

SHARE THE TRUTH

 31,536 total views

Personal na ginawaran ni Pope Leo XIV ng Pallium ang 54 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Jaro na si Archbishop Midyphil B. Billones.

Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Solemnity of Sts. Peter and Paul noong ika-29 ng Hunyo, 2025.

Ang Pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot lamang ng Santo Papa at ng mga Metropolitan Archbishops na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Bilang katuwang ni Pope Leo XIV sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika ay muli ding nangako ng suporta ang mga bagong arsobispo sa patuloy at higit pang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos gayundin sa pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Matatandaang ikalawa ng Pebrero, 2025 nang itinalaga ng yumaong Santo Papang si Pope Francis si Archbishop Billones bilang ika-14 na Arsobispo ng Jaro na opisyal na iniluklok sa arkidiyosesis noong ika-2 ng Abril, 2025 kahalili ng nagretirong si Archbishop-emeritus Jose Romeo Lazo na nanilbihang Arsobispo ng Jaro sa loob ng 7 taon mula 2018 hanggang 2025.

Ang Ecclesiastical Province of Jaro ay binubuo ng Archdiocese of Jaro at mga Diyosesis ng Bacolod, San Jose de Antique, San Carlos, at Kabankalan.

Ang naganap na ‘investiture of Pallium’ o opisyal na pagsusuot ng pallium ng Santo Papa para sa mga bagong Arsobispo ng Simbahang Katolika ang isa sa mga lumang kaugalian o tradisyon na muling ibinalik ni Pope Leo XIV mula sa pagbabagong ginawa ni Pope Francis noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,855 total views

 13,855 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,792 total views

 33,792 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,052 total views

 51,052 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,597 total views

 64,597 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,177 total views

 81,177 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,361 total views

 7,361 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 20,143 total views

 20,143 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 27,176 total views

 27,176 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top