Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkamatay ng isang madre, nilinaw ng St.Therese of the Child Jesus parish

SHARE THE TRUTH

 48,686 total views

Naglabas ng pahayag ang St. Therese of the Child Jesus Parish sa Talisay, Lipa City, Batangas, upang linawin ang kumakalat na balita kaugnay ng pagpanaw ng isang madre sa lungsod.

Inanunsyo ng parokya ang biglaang pagpanaw ni Sr. Rita Rama, na kasapi ng Blessed Sacrament Missionaries of Charity, na natagpuang walang buhay noong June 27, 2025, sa inuupahang apartment sa Lipa City.

Batay sa imbestigasyon ng Lipa City Police at Scene of the Crime Operatives (SOCO) at sa isinagawang autopsy, ang sanhi ng pagpanaw ng madre ay myocardial infarction o atake sa puso.

Nilinaw ng parokya na walang nakitang ebidensya ng karahasan o pang-aabusong sekswal, taliwas sa mga kumakalat na ulat na natagpuang nakahandusay ang madre, walang saplot, at may bakas ng dugo sa maselang bahagi ng katawan.

“No evidence of foul play or sexual assault was found. Cremation immediately followed after the autopsy because her body was found in the state of advanced decay,” ayon sa pahayag ng parokya.

Si Sr. Rama ang nangasiwa sa dalawang mission communities sa Dagatan Creek at Paanan ng Bundok sa Barangay Talisay, kung saan tumulong siya sa espiritwal at materyal na pangangailangan ng mga residente.

Kabilang sa kanyang mga nagawa ang pagpapatayo ng mahigit 40 bahay para sa mga pamilyang kapus-palad sa Dagatan Creek.

Nagsilbi rin si Sr. Rama bilang “prayer cathecist” na nagtuturo ng mga panalangin sa mga pampublikong paaralan.

Kasalukuyang inaayos ng pamilya at ng mga kasama sa kongregasyon ang mga detalye ng burol at libing ni Sr. Rama, habang ang kanya namang mga abo ay pansamantlang nakalagak sa San Fernando Funeral Homes, Lipa City.

Para naman sa karagdagang legal na katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Marietta H. Fayre, ang Public Information Officer ng parokya, sa numerong 0917-504-7223.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,053 total views

 14,053 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,990 total views

 33,990 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,250 total views

 51,250 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,785 total views

 64,785 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,365 total views

 81,365 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,534 total views

 7,534 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 40,766 total views

 40,766 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top