Pagsasapribado ng Agus-Pulangi hydropower, tinututulan ng Diocese of Ilagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,526 total views

Mariing tinutulan ng Diocese of Iligan ang anumang hakbang na isapribado ang Agus-Pulangi Hydroelectric Complex (APHEC), kasabay ng babala na maaari itong magdulot ng mas mataas na singil sa kuryente at mas mabigat na pasanin sa mga mahihirap na mamamayan sa Mindanao.

Sa inilabas na pastoral letter noong ika-10 ng Mayo, sinabi ni Bishop Jose Rapadas III na bagamat suportado ng diyosesis ang rehabilitasyon at modernisasyon ng tumatandang hydroelectric complex, dapat itong manatili sa pagmamay-ari at kontrol ng pamahalaan.

Tinutulan din ni Bishop Rapadas ang mga panukalang public-private partnership o iba pang concession agreements na maaaring maglipat ng epektibong kontrol ng pasilidad sa mga pribadong korporasyon.

“We firmly oppose any move toward the privatization—direct or indirect—of Agus–Pulangi… We affirm that public ownership must be accompanied by serious reform and accountability. To reject privatization is not to defend inefficiency, waste, or corruption,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Ayon sa obispo, mahalagang pampublikong yaman ang Agus-Pulangi na naitayo sa pamamagitan ng buwis at sakripisyo ng sambayanang Pilipino at sa loob ng ilang dekada ay nagsilbing pinagkukunan ng mas abot-kayang renewable energy para sa mga komunidad sa Mindanao.

Iginiit din ni Bishop Rapadas na hindi likas na kahinaan ng sistema ang sanhi ng mga kasalukuyang suliranin nito kundi kakulangan sa pamumuhunan, maayos na polisiya, at modernisasyon na kaya namang tugunan ng pamahalaan sa ilalim ng pampublikong pamamahala.

“Essential services such as electricity, which enable people to live in dignity, cannot be seen only in terms of market value. They must be governed in a way that serves the common good, not merely private gain,” giit ng obispo.

Nagpahayag din ng suporta ang diyosesis sa mga panawagan ng civil society groups, mga manggagawa, at lokal na pamahalaan ng Iligan City na tutulan ang privatization dahil maaari itong magresulta sa pagtaas ng singil sa kuryente, pagkawala ng kita ng pamahalaan, at paghina ng pananagutan ng mga namamahala.

“When a basic necessity like power is treated mainly as a commodity rather than as a service for the common good, it is the poor who suffer first and most,” dagdag pa ni Bishop Rapadas.

Kasabay nito, hinimok ng diyosesis ang mga mananampalataya na maging mapanuri, makilahok sa mapayapang adbokasiya, at suportahan ang mga legal na hakbang upang mapanatili ang Agus-Pulangi bilang pampublikong renewable energy asset para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Mindanawon.

Nakasaad sa Social Doctrine of the Church na ang mga batayang serbisyo at yamang mahalaga sa buhay ng tao ay dapat pangasiwaan para sa kabutihang panlahat, lalo na ng mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 16,978 total views

 16,978 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,060 total views

 50,060 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,411 total views

 78,411 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,141 total views

 146,141 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 167,958 total views

 167,958 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top