Special Tree cutting at earthballing permits ng DENR sa Palawan, binatikos ng SPM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,552 total reads

Labis na ikinabahala ng environmental advocates, church groups, at civil society organizations ang pagpapahintulot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Special Tree Cutting at Earthballing Permits para sa pagputol ng mahigit 218,000 puno sa Palawan kaugnay ng mga proyektong pagmimina.

Sa pangunguna ng Save Palawan Movement (SPM) sa isinagawang kilos-protesta, iginiit ng mga grupo na nanganganib ang mga natitirang kagubatan, watershed, at natatanging biodiversity ng isla dahil sa patuloy na pagmimina.

Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, Senior Legal Officer ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC), nakababahala ang pagpayag sa pagputol ng mga punong matatagpuan maging sa mga lugar na dapat ay nasa ilalim ng mahigpit na pangangalaga.

“Palawan is an ‘earth island’—its biodiversity is unique, isolated, and once lost, it cannot be replaced. When mining removes forests, strips topsoil, and alters watersheds, the damage is not temporary. It is permanent,” pahayag ni Mayo-Anda.

Batay sa tala ng SPM, kabilang sa mga lugar na sakop ng tree-cutting permits ang 60,359 puno sa Brooke’s Point na iniuugnay sa Ipilan Nickel Corporation; 87,090 puno sa Bataraza, kabilang ang 52,000 puno sa Mt. Bulanjao na may kaugnayan sa Rio Tuba Nickel Mining Corporation; at 71,405 puno sa Aborlan na may kaugnayan naman sa operasyon Berong Nickel Corporation.

Samantala, sinabi ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina, na dapat agad imbestigahan ng Senado ang mga permit dahil taliwas ito sa umiiral na mining moratorium sa lalawigan.

“We strongly support the call for a Senate inquiry. The tree-cutting permits issued by the DENR are deeply concerning and raise serious questions, especially given the province’s mining moratorium. As the country’s last ecological frontier, Palawan’s forests should be preserved, not destroyed,” ayon kay Garganera.

Binigyang-diin ng mga grupo na ang pagtatanggol sa Palawan ay pagtatanggol din sa buhay, kabuhayan, at sa pananagutang moral na pangalagaan ang sangnilikha para sa susunod na salinlahi.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ ang panawagan para sa pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan at sa mga pamayanang umaasa rito para sa kanilang kabuhayan at kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 18,154 total reads

 18,154 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 55,113 total reads

 55,113 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 108,948 total reads

 108,948 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 171,758 total reads

 171,758 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 239,518 total reads

 239,518 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 48,470 total reads

 48,470 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top