Kudeta sa liderato ng Senado, kinundena ng CMSP-JPICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,368 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala at moral na pagkondena ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) kasama ang mga mission partners ang naganap na pagpapalit ng liderato sa Senado.

Itinuturing ng CMSP-JPICC ang kudeta sa Senado ay isang paraan na layong pigilan ang pananagutan ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng impeachment process.

Sa inilabas na pahayag ng CMSP–JPICC noong Mayo 11, 2026 iginiit ng grupo na ang impeachment ay isang mahalagang mekanismong itinakda ng Konstitusyon upang mapanatili ang katotohanan, pananagutan, at tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.

“We, the Conference of Major Superiors in the Philippines through its Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC), together with our Mission Partners, express our deep concern and moral indignation over the recent actions and maneuverings in the Senate that appear designed not to uphold truth and justice, but to protect political interests and shield Vice President Sara Duterte from constitutional accountability through impeachment.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Ayon sa grupo, nakababahala ang lumalawak na kultura ng ‘impunity’ kung saan pinoprotektahan ng kapangyarihan ang kapangyarihan habang higit na inuuna ang katapatan sa personalidad o mga politiko kaysa sa katapatan sa Konstitusyon, taumbayan, at katotohanan.

“We are alarmed by the growing culture of impunity where power protects power, where loyalty to personalities prevails over fidelity to the Constitution, and where public servants appear more concerned with preserving political futures than defending the truth.” Ayon pa sa CMSP–JPICC.

Binigyang-diin din ng grupo na tungkulin ng Senado na paglingkuran ang sambayanang Pilipino lalo na ang mahihirap, mga nasa laylayan ng lipunan, at mga walang boses na patuloy na nawawalan ng tiwala sa mga institusyon dahil sa korapsyon at manipulasyon sa politika.

Nanawagan rin ang CMSP–JPICC sa mga senador na pairalin ang moral na katapangan, integridad, at pagiging malaya sa impluwensiyang pampulitika.

“The Senate must remember that its mandate is not to protect dynasties, ambitions, or vested interests. Its duty is to the Filipino people — especially the poor, the marginalized, and the voiceless whose trust in public institutions continues to be wounded by corruption, deception, and political maneuvering. It must go beyond partisan political interests and show to our people that accountability has meaning, and justice remains a value we all must uphold.” Dagdag pa pa sa CMSP–JPICC.

Hinimok din ng grupo ang mamamayan, mga komunidad at institusyon ng Simbahan, kabataan, at iba’t ibang sektor na manatiling mapagmatyag at aktibong makilahok sa pagtatanggol sa demokrasya at pananagutan sa pamamahala sa bansa.

Iginiit ng CMSP–JPICC na ang tunay na kapayapaan ay hindi maisusulong kung walang katotohanan at pananagutan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 22,188 total reads

 22,188 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 107,594 total reads

 107,594 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 171,436 total reads

 171,436 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 259,058 total reads

 259,058 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,988 total reads

 340,988 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top